Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 19, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang malapit sa buhay mo ang gugulat sa iyong buhay. Natural lang ang magiging reaksyon mo pero mas maiintindihan ang sitwasyon kung titingin sa ibang pananaw. Lucky color: Pink, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mahalagang maipaliwanag ang mga naging desisyon. I-record ang naging paggastos sa pera para maiwasan ang posibleng suliranin lalo na sa aspektong ligal. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Punong-puno ka ng mga bagong ideya, gawin ito habang may lakas ka pa. Maging mapagkumbaba at matuto sa mga dating naging pagkakamali. Lucky color: Green, lucky number: 1.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kailangan mong paganahin ang pagiging malikhain kung gusto mong kumite ng pera. Dumiskarte at gumawa ng koneksyon, gamitin ang charm para makumbisi ang mga maimpluwensyang tao. Lucky color: Violet, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masusunod ang lahat ng mga pinaplano pero huwag sisihin ang sarili sa hindi magandang paggamit ng salita o paghadlang ng ibang tao. Ingatan ang mararamdamang guilt. Magiging mas mabuti naman ang aspekto ng kalusugan. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mayabang ang tingin sa ‘yo ng iba dahil sa mga ambisyon at pagiging competitive, pero tandaan na mas mabuting maging tapat at direkta kaysa gumamit ng mabubulaklak at matamis na salita. Lucky color: Black, lucky number: 7.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ikaw ang magiging bida kahit hindi ito ang gusto mo. Susubukan mong lumayo at ipasa sa iba ang stage, pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka masaya, ayaw mo lang na ikaw ang sentro ng atensyon. Lucky color: Red, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maaaring nahanap mo na ang trabaho kung saan ka magtatagal. Gayunman, may mga mapupunang hindi sang-ayon sa pinapangarap mo. Palakasin ang relasyon sa mga kaibigan at katrabaho. Lucky color: Gold, lucky number: 2.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Masusuklian na ang binigay mong emosyon. Madali kang makabawi sa naranasang pagkalungkot o pagkabigo pero hindi nangangahulugan na mas angat ka na sa iba. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May ilang hahadlang sa magiging plano mo sa araw na ito. Maaaring lumutang ang isip sa mga panaginip at plano sa buhay. Magkaroon ng pokus sa goal. Lucky color: Grey, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kontrolin ang emosyon para makaiwas sa hindi pagkakaunawaan sa mga kaibigan. Mapapansin ang mga pagbabago sa paligid, maging mahinahon at piliin ang tama. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Susubukan mong mapag-isa ang relasyon ng mga taong malapit sa iyo. Isipin ang kanilang nararamdaman at hindi lang ang sarili mong kagustuhan. Lucky color: Brown, lucky number: 7.