Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 5, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag masyadong dibdibin ang mga problema. Dumadaan lang ito sa ayaw mo at sa gusto. Nasa iyo kung gustong mong maging masaya ang iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang posibilidad nang pagkabigo ay magbibigay sa iyo ng mga sleepless nights. . Alam mo sa sarili mo na kaya mong makabawi agad sa pagkalugmok. Lucky color: Maroon, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isa kang malikhain at puno ng telento. May mga taong humahanga sa kakayahang taglay mo at walang makakapigil sa ‘yo. Lucky color: Red, lucky number: 29.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang magkokontrol sa mga bagay-bagay. Hayaan mo muna na ang ibang tao ang mamuno at magmasid na lamang. Bigyan ng importansya ang sariling kapakanan. Lucky color:Gold, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Sa umpisa ay magiging mahirap pero sa kalaunan ay madali na ang lahat. Ang bagay na pinaghirapan ay dapat pinahahalagahan dahil pawis ang puhunan mo dito. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sobrang enerhiya ang magpapagana sa ‘yong gumawa ngayong araw na ito. Wag sayangin ang enerhiyang ito at itutok sa mga tunay na importante. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Wag munang maging agresibo. Maging mahinahon lalo na kung may gustong ipabatid sa taong gustong kausapin. Mas mauunawaan ka kung kalmado kang kausap. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mamimili ka sa relasyong meron ka ngayon at may kinalaman ito sa dalawang taong malapit pareho sa puso mo. Kailangang isaalang- alang ang kanilang pangangailangan. Wag maging padalos- dalos. Lucky color: White, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Ang mabuting paraan upang mawala ang alalahanin ay ang harapin ito. Huwag magpatalo sa takot. Marami kang malalapitan sa oras ng iyong pangangailangan. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May malaking pagbabago na mangyayari sa buhay mo. Sa gitna ng kaabalahan, maging concern pa rin sa mga tao sa paligid mo at huwag magpahuli sa mga kaganapan sa paligid. Magbasa ng mga current events. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang dating kakilala ang muling lalapit sa ‘yo ngayon. Gusto lamang niyang makitungo nang maayos. Pero kailangan mong tiyakin na magiging matalino ka sa pakikisama at hindi nagpapauto lang. Lucky color: Maroon, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag mag kunwari sa nararamdaman. Ipakita ang totoo nang hindi magsisi sa bandang huli. Marami pang araw sa nakapilang gawain. Magpahinga sa libreng oras. Lucky color: Green, lucky number: 8.