Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 6, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Puno ng damdamin ang araw na ito. Mauubos ang oras sa pagiging sentimental. Dala na rin ito ng sobrang inip sa buhay. Hindi mo kailangang madaliin ang ginagawa dahil hawak mo ang oras mo.Lucky color: Blue, lucky number: 15.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Unahin muna ang mga bagay na nakakompromiso. Mahirap nang makarinig ng sailitang hindi maganda. Maraming parating na mga positibong pangyayari na magpapasaya sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 42.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May darating na malaking break sa iyong career. Hindi mo ito inaasahan kaya’t matutulala ka. Ang ganitong suwerte ay minsan lang dumarating kaya’t wag nang pakawalan pa. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Malamig na simoy ng hangin ang sasalubong sa iyong umaga. Maraming ideya sa isipan subali’t may pumipigil sa iyo. Gamitin ang araw na ito para patunayan muli ang pagmamahal sa taong kasama na panghabambuhay. Lucky color: Gold, lucky number: 32.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May malakas na tawag ng tukso na parang hindi mo matanggihan. Anumang pinasok ay magbibigay sa iyo ng ang isang malaking aral. Mapapansin ang mabilis na timbok ng puso kapag kasama ang special someone. Lucky color: Pink, lucky number: 27.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang tao ang magiging palaisipan sa iyo. Maraming mapapansing bago sa paligid. Mas gaganahan sa trabaho dahil sa bagong inspirasyon. Lucky color: White, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Makinig sa payo ng kaibigan. Hindi ordinaryo ang dinadalang problema. Kakailanganin mo ng isang expert opinion para isang malaking plano. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magkaroon ng kusa. Ikaw na ang lumapit at mag-volunteer. Ngayon mo maipamamalas ang iyong talino at bilis sa pag-iisip. Wag mawalan ng pag-asa kahit sobrang gipit. Lucky color: Violet, lucky number: 36.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mabubuksan ngayon ang isang pintuan na matagal nang nakasarado para sa iyo. Panahon para sa isang bagong perspective. Wag nang magbulag-bulagan sa anumang nasa harap mo. Tanggapin ito at yakapin. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang tao ang ang biglang makakasundo. Ikakagulat mo ang mga sasabihin nito. Gawin ang nararapat para sa pamilya. Ikaw lamang ang natitira nilang pag-asa. Lucky color: Gold, lucky number: 23

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may kailangang gawin ngayon ay wag nang ipagpabukas pa. Maraming masasayang na luha dahil sa dinaramdam na lungkot. Puwedeng maging romantiko sa gawa at hindi puro salita. Lucky color: Green, lucky number: 29.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas mapapansin ka ngayong araw. Kakaiba ang taglay na karisma. Makukuha mo ang suporta ng mga nakakataas sa iyo ng posisyon dahil sa tiwala. Wag itong sayangin sa isang iglap lang. Lucky color: Gray, lucky number: 2