Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 7, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maaring ma-realize mo na napapasubo ka na sa isang kasunduan. Ang inaakala mong madali lamang ay mapapatunayang komplikado. Wag munang mag-assume habang wala sa kamay ang inaasam. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Doon ka lamang sa katotohanan. Masarap mang gumawa ng kuwento, posibleng maglagay ka sa alanganing sitwasyon. Hindi matatahimik kapag hinaluan ng kalokohan ang trabaho. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Masyadong mataas ang tinatarget mo kaya nahihirapan ka pero sa umpisa lang ito. Pangalagaan ang sariling kapakanan. Minsan ka lang madamay sa gulo ay masyado mo itong didibdibin. Lucky color: Silver, lucky number: 35.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang atraksyon ang mapapatunayan mong mutual pala . Maghahatid ito ng kakaibabg sigla. Isang kaibigan ang mangangailangan ng iyong payo para sa isang sensitibong isyu. Lucky color: White, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tanggapin kung ano ang nagging kapalaran. an kung ano ang meron sa iba. Hindi masamang ikonsidera ang pagbago sa isang lifestyle habit na hindi na nababagay sa estado mo. Lucky color: Red, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Huwag makuntento sa kung ano ang puwede na. Mas bagay sa iyo ang mga challenging na sitwasyon. Iwasang limitahan ang sarili dahil lamang ayaw mong umalis sa iyong comfort zone. Paborable ngayon ang lahat ng pagbabago. Lucky color: Blue, lucky number: 1.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Marami ang mapapasaya mo ngayon at mapapahanga sa mga magagaling mong ideya. Ito rin ang magiging daan para maiabante pa ang iyong mga pangarap sa buhay. Wag munang kontrahin ang isang posibilidad para sa bagong romansa, makiayon sa mga pangyayayari. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

CORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Gawin ang lahat para makaiwas sa anumang argumento lalo na kung hindi naman talaga importante ang isyu. I-save mo na lang ang energy mo sa mga importanteng usapin. Hindi tamang ubusin ang oras sa mga hindi importante. Lucky color: Gray, lucky number: 46.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Nasa bagong romansa ang direksyon ng araw na ito. Isang kaanak ang maaaring maging daan para makilala ang bagong napupusuan. Hindi masamang ipakita ang iyong appreciation sa mga ginagawa niya para sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Hindi tamang basta ka na lang sumunod kung hindi mo gusto. Magkaroon ng paninindigan. May pagkakataong mas dapat kang manahimik kaysa magsalita. Lucky color: Yellow, lucky number:21.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahihirapan kang mag-isip ngayon at mas nangingibabaw sa iyo ang kaba. Magrelaks muna para kumalma. Mas malamang ang pagkakamali kung wala kang pokus. Lucky color: Pink, lucky number: 28.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20)- May dahilan para mag-celebrate kasama ng iyong pamilya. Kung may pagbibiyaheng gustong gawin, ipagliban muna ito. Wag pairalin ang tigas ng ulo. May ibang puwedeng gawin kaysa maging pasaway. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.