Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 8, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung magpopokus ka lamang, matagal ka na sanang na-promote sa trabaho. Huwag katakutan ang biglaang oportunidad. Minsan dito ka makakatisod ng ginto . Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May magandang pangyayari sa romansa at para sa mga in a relationship na, magbibigay ito ng bagong init sa pagsasama. Makakaramdam ng mas malalim ng emosyon bago matapos ng gabing ito. Lucky color: Green, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Makakatanggap ka ng isang sulat. May hatid itong balita na hindi mo ikakatuwa. Isang malapit na kaibigan ang may malaking maitutulong sa iyo para makuha mo ang pagbabagong matagal mo nang pinag-iisipan. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –‘ Wag paapekto sa init ng ulo ng mga kasama. Mas magaan sa trabaho kapag walang alalahanin. Sabihin kung ano ang iyong opinyon pero iwasang maging mapanghusga. Lucky color: Brown, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahalin ang mga taong naging bahagi ng iyong buhay. Life is short kaya wag pipigilan ang sarili na maging masaya. Nasa iyong mga kamay ang magandang suwerte sa bagong negosyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May biglaang lakad. I-enjoy mo lamang ang mga pangyayari at wag munang kumontra. Maantig ang puso sa isang malungkot na kuwento. Lucky color: White, lucky number: 15.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Nasa pakikipagkaibigan ang magpapabago sa routine ng iyong buhay. Wag maging mailap sa mga taong lumalapit sa iyo, May nakikita sila iyo na dapat ipagpasalamat mo. Lucky color: Blue, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mai-involved ka sa isang taong may malakas na sex-appeal. Wag matakot dahil seryoso naman siya sa iyo. May mga tao lang na sadyang lapitin ng mga tukso. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)- Masyado mong nakakaligtaang tingnan ang mga maliliit na isyu at ilan sa mga ito ay lumalaki nang hindi mo namamalayan. Kailangang magbago ng pokus. Hindi maaring nakababad ka sa isang bagay na hinid mo gusto. Lucky color: Silver, lucky number: 39.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Naghahanap ka ng taong magpapakita sa iyo ng espesyal na atensyon. Pero mas dapat mo munang mahalin ang sarili mo higit sa lahat. Hindi ka magtatagumpay sa anumang bagay kung wala kang self-love. Lucky color: Violet , lucky number: 31.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas maraming ganap kung bukas ang iyong pintuan. May mga planong sadyang nakatakdang mabago. Wag itong kotrahin dahil mabibigo ka lang. Lucky color: Gold, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May isang tao na matagal mo nang hinahanap. Maaring ito ang pinagmumulan ng iyong pagkabalisa. Magtanong-tanong dahil baka nasa nasa malapit lang ang kasagutan. Lucky color: Pink, lucky number: 19.