ARIES (Marso 21-Abril 19) –Wag munang magbigay ng konklusyon hanggang hindi ka sigurado sa nangyayari. May mga ideya ka pero mas mabuting sarilinin muna ito. Kung walang sapat na basehan mas mamabuting nanahimik. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sadyang mataas ang ambisyon mo at walang makakapigil sa iyo para maabot ito. Hindi mo dapat ibaba ang sarili sa iba para lang maabot ka ng iba. Magpakatotoo sa iyong sarili. Lucky color: Maroon, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Mas gusto mo ngayon na mapag-isa pero may nadaramang lungkot. Makikita mong mas mag-e-enjoy ka kapag may kasama. Lucky color: Red, lucky number: 29.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ang importante ngayon ay tuluyang mag-move on. Wag mong hayaang mawala sa focus. Sukat mo ang iyong kakayahan at abilidad kaya’t walang dapat ipag-alala. Lucky color:Gold, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi lahat ay tulad mo kung mag-alala at mag-care sa mga tao sa iyong paligid. Dala ito ng iyong nakaraan. May pagpapahalaga ka sa iyong kapwa kaya naman marami ang nagmamahal sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi masamang mag duda kung may basehan ka. Kailangan mo ring ipakita ang iyong pagiging seguristae para hindi ka maloko. Hindi mo kakayaning gawin ang lahat kung mag-isa ka lamang.Lucky color: White, lucky number: 2.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Kaya mong mag-adapt at magbago alinsunod sa mga sitwasyong kinakaharap. Wag isarado ang isip sa mga bagong ideya. Kailangang matutong makibagay sa modernong panahon. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –) – Mapapansin mong mas maamo sa iyo ngayon ang suwerte. Samantalahin ang mga dumarating na oportunidad para maipakita mo ang iyong galing at talento. Lucky color: White, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)-Dedma muna sa mga taong gusto kang guluhin. Sa araw na ito kailangan mo ng mahabang pasensya sa isang taong nangungulit. May ibang motibo ang taong magiliw magsalita. Lucky color: Gold, lucky number: 27.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Anuman ang kailangan mong gawin ngayon, tiyaking may sapat na oras. May kailangan kang harapin at kausapin. May isang bagay na kailangang linawing mabuti sa iyong pamilya.Lucky color: Blue, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi lahat ay puwede mong maging kaibigan. May mga taong talagang mahirap maintindihan. Normal lang ito at
Wag dibdibin. Wag nang pilitin ang sarili sa isang tao na ayaw naman sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang lahat ng inaambisyon ay makakamit. Wala kang dapat aksayahing oras. Ang iyong self-confidence ay abot hanggang langit kaya naman walang puwedeng sumira sa iyong focus. Mag chill kahit medyo pagod. Lucky color: Red, lucky number: 33.