ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mahirap ipaliwanag ang iyong nararamdaman pero kailangan itong gawin. Makikita mo ang magandang resulta ng nagging desisyon. Alalahaning hindi mababasa ng ibang tao ang iniisip mo. Lucky color: Green, lucky number: 21.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Walang mahirap at walang imposible. Kung determinado ka, lahat ay kaya mong gawin. Kung patuloy na magiging malakas ang loob, malayo ang iyong mararating. Lucky color: Red, lucky number :28.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nakasanayan mong kumilos mag-isa pero sa araw na ito mas magiging madali ang lahat kung may kasama ka. Hindi uubra ang pride sa lahat ng pagkakataon. Minsan, mas magaan sa kalooban kung nagpapakumbaba. Lucky color: Maroon, lucky number: 38.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Make or break. Ito ang senaryong naghihintay sa iyo. Kailangan mong ibuhos ngayon ang effort sa importanten project na hawak mo. Itodo na ang pagsisikap dahil isang pagkakamali ay puwedeng masayang ang lahat. Lucky color: Orange, lucky number: 18.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Marami kang inaalala sa mga nagdaang araw. Sa araw na ito, makakakita ka na ng liwanag. Alisin muna ang mga takot . Sa halip harapin ang bawat umaga na may bagong pag-asa. Lucky color: Gray, lucky number: 33.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung mananatili kang positibo, wala kang dapat katakutan. Importante ang attitude. Marami ang nagmamasid sa iyo at humahanga sa maganda mong opinyon. Lucky color: Green, lucky number : 19.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Diplomasya ang kailangang pairalin pagdating sa pakikiharap sa iba’t ibang tao. Hindi lahat ay tulad mong mag-isip. Makibagay at iwasan muna ang anumang kompetisyon na hindi napapanahon. Lucky color: Violet, lucky number: 55.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Lumayo muna sa mga isyung nagdudulot lamang ng kaba o pagkabalisa. Mas makakapag-isip ka kung pipiliin mo munang mapag-isa. Hindi mo kailangan ngayon ang dikta ng ibang tao. Lucky color: Violet, lucky number: 22.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –May ilang alalahanin pagdating sa mga partnership at kabilang na rito ang iyong lovelife. Marami ka pang dapat matutuhan. Unti-unti, malalagpasan ang mga problema dahil sa positive thinking. Lucky color: Gray, lucky number: 25.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Habang wala ka sa mood ay magpahinga na lang muna. Isang kaibigan at kasamahan ang handang sumuporta. Wag nang pairalin ang pride upang magkaayos agad ng kaibigan. Lucky color, Violet, lucky number: 20.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May mga negatibong pangyayari sa mga nagdaang araw. Kung ito’y may kinalaman sa isang kasamahan sa trabaho, kailangan mo na siyang kausapin para magkaayos. Hindi mareresolba ang isyu kung puro pakiramdaman lang. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Lahat ay nakakagawa ng pagkakamali. Wag ka nang magpanggap na maayos ang lahat kung alam mong meron talagang mali. Makabubuting aminin na ito para maka-move on na ang lahat. Lucky color: Gold, lucky number: 7.