Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 18, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailangan mong harapin ang isang malaking pagsubok. Marami ring hamon sa pagsasama na inuuga ng mga malakas na tukso. Manatiling kalmado at malalagpasan ang mga pagsubok sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 24.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pakiramdaman mo ang iniindang kirot sa iyong katawan. Nakakapraning lang talaga kaya mas mabuting magpasuri sa doktor. Bigyan din ng panahon ang sarili para makapagrelaks. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Dumistansya muna sa barkada. Minsan ka nang nadawit sa gulo dahil sa kanila. ‘Wag ipagwalang bahala ang masamang impluwensya. Lucky color: Violet, lucky number: 12.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahirap tuparin ang lahat ng pangako kaya iwasang mag-commit lalo na kung hindi mo kaya. Sasama ang loob sa isang kaibigan at tuluyan kayong magkalayo ng landas. Lucky color: Yellow, lucky number: 40

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Umiwas sa mga taong walang ginawa kundi maghanap ng mali sa iyo. Alam mo naman ang tunay niyang pakay. Makisama sa mga taong laging may positibong pananaw na siyang makakatulong sa iyo. Lucky color : Maroon, lucky number: 50.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi mo kailangang mag-explain sa lahat ng tao dahil samga sinabi. May rason ka para gawin ito. Wag nang sayangin ang oras sa paghahabol sa mga huwad na kaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 54.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Makuntento sa mga bagay na dumarating . Ibuhos ang iyong full attention sa iyong pamilya. Papaganda rin ang kalagayang pinansyal dahil sa maayos na paghawak ng pera. Lucky color: Brown, lucky number: 56.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mapapaboran ka ngayon ng isang kasamahan. Tama lang na umayaw ka sa isang alok na hindi ka naman sigurado. Gamitin ang naging karanasan para magtagumpay sa laban. Lucky color: White, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang magandang nagawa ang masusuklian. Ang taong tinulungan mo ngayon ay siyang sasagot sa iyong problema. Ipurisge ang bagong kinahuhumalingang hobby. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Papabor sa iyo ang magandang kapalaran sa araw na ito. Giginhawa ang pakiramdam matapos na sabihin ang katotohanan. ‘Wag mawalan ng kumpiyansa sa sariling talento. Lucky color: Violet, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Manatili sa iyong mga long-term na plano sa buhay. ‘Wag matukso sa magandang regalo dahil may kapalit ito. Mas malamang ang pagkakamali kung laging nagmamadali. I-budget ang oras. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang taong nakilala mo sa isang biyahe ang tutulong sa iyong negosyo. May potensyal itong mag-akyat sa magandang suwerte kung hindi mahahaluan ng kalokohan. Balansehin ang kapakanan ng mas nakararami. Lucky color: Green, lucky number: 14.