Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 22, 2020

ARIES (Marso 22- Abril 19)-Walang ibang sagot sa problema kundi manahimik. Magiging malawak ang pananaw sa buhay dahil sa isang pangyayari. Kailangan mong harapin ang isang pagsubok nang buong tapang . Lucky color; Peach. Lucky number:57.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20)-Hindi magiging madali sa’yo na maging normal ang lahat. Pero hindi ka dapat bumitaw sa pananalig mo lalo na ngayon. Tatagan ang paniniwala sa sarili. Lucky color: Pink.Lucky number; 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20)-Biglang magbabago ang ihip ng hangin. Isang tao na laging galit sa’yo ang biglang babait. Lilitaw din ang kanyang tunay na intensyon. Lucky color: Red. Lucky number: 29.

CANCER (Hunyo 21- Hulyo 22)-Ilabas na ang matagal nang kinikimkim. Kahit na masakit para sa kanila, makakabuti naman ito para sa iyo. Kailangan mo lang tanggapin anuman ang maging reaksyon nila sa totoong isyu. Lucky colo: Blue.Lucky number: 46.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22)-Wag pansinin ang kumakalat na balita tungkol sa iyo. Ang mahalaga sa ngayon ay alam mo kung sino sa mga kaibigan ang totoo at tapat. Lucky color:Gold. Lucky number: 32.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 22)- Haharapin ang iyong kabiguan. Bahagi ito ng totoong buhay na hindi matatakasan. May pagkakamaling magagawa sa iyong trabaho na kailangang itama. Lucky color: Yellow. Lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23- Oktubre 22)-
May importanteng bagay kang nakakalimutan dahil sa sobrang kaabalahan mo sa trabaho. Harapin muna ito at pagbuhusan ng oras. Lucky color: Blue. Lucky number: 16.

SCORPIO (Oktubre 23- Nobyembre 21)-Maganda ang takbo ng iyong lovelife. Kailangan mo lang mag-focus para makabawi sa naging pagkukulang. Naghihintay lang sila sa iyong pagbabalik. Lucky color; White. Lucky number:52.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22- Disyembre 21)-Mauubusan ka ng rason para tanggihan ang magandang trabaho. Wag itong hayaang mawala sa iyo. Ito na ang tamang panahon para bumangon ka at gawin ang anumang nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Black. Lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)-Magiging masaya sa araw na ito. Makukuha mo ang isa sa mga bagay na gusto mo. Maging tapat at matulungin. Marami kang dapat ipagpasalamat. Lucky color; Green. Lucky number: 34.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18)- Makakatanggap ng pabuya sa iyong talento. Ang kakayahan mong ito ang magiging daan para makilala ka sa trabaho at mabigyan ng promosyon. Lucky color: Silver. Lucky number:38.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20)-Kumalma at iwasang magalit. Unawain mo na lang ang taong nagkamali. Bigyan mo siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang sarili at payuhan sa dapat niyang gawin. Lucky color; Maroon. Lucky number:7.