Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 27, 2020

ARIES (March 21-April 19 –May kakaibang saya pag kasama ang isang kaibigan. Minsan mahirap ipaliwanag ang pusong naghahanap ng ligaya. May malaking pakinabang sa pagpapahalaga sa oras. Lucky color:Maroon, lucky number:7.

TAURUS (April 20-May 20) –Ramdam mo ang resulta ng pagkakamaling nagawa. Kailangan mong magkaroon ng isang salita. Maging magiliw sa taong kausap dahil kinakailangan mo ng mga bagong ideya. Lucky color:Yellow, lucky number:33.

GEMINI (May 21-June20) –Kung duda sa gagawin ay mabuting huwag na itong ituloy. Maging totoo sa sarili dahil dito ka magkakaroon ng kapanatagan ng kalooban. Lucky color:White, lucky number:22.

CANCER (June 21-July 22) ­–Matatahimik ka na dahil nasabi mo na kung ano ang totoo. Sabihin ito sa kapartner para maalis ang kanyang pag-aalala. Lucky color:Blue, lucky number:39.

LEO (July 23-August 22)–Dagdagan ang paglalambing sa kasuyo. Ikaw ang may kasalanan kaya’t bumawi. Mahirap para sa iyo ang mag desisyon na mag-isa. Lucky color:White, lucky numberl:40.

VIRGO (August 23-September 22)-Mairaraos mo ang lahat ng problema. Huwag mangumprumiso tungkol sa pera. Itigil ang sobrang paggasta. Lucky color:Red, lucky numbr: 45.

LIBRA (September 23- October 22) – Magiging madali ang mga gawain bukas dahil malinaw na ang isipan. May naghihintay na isang tao sa inyong bahay. Umuwi ng maaga. Lucky color:Yellow, lucky number:12

SCORPIO (October 23- November 21) –Huwag aksayahin ang oras sa taong hindi ka naman mahal. Kumilos agad sa umaga pa lang para pagpawisan. Lucky color:White, lucky number:13.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Magiging mas matibay ang loob dahil sa naging problema. May ilang bagay na dapat isikreto. Kahit ganito, maging positibo pa rin ang pananaw sa buhay. Lucky color:Violet, lucky number:33.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magkakaroon ng pakikipagsapalaran sa ibang lugar. Matagal mo na itong hinihintay kaya’t wag pakawalan. Huwag pabigla – bigla sa malaking desisyon. Lucky color:Green, lucky number:4.

AQUARIUS (January 20-February 19) –Magiging mas mahusay ka sa trabaho mo ngayon kaysa noon.Ipakita sa sinseridad sa kausap. Hindi pa ito ang panahon para magyabang. Lucky color:Red, lucky nunber:48.

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ikaw ang taong napapasunod sa hindi mo gusto.May sariling desisyon kaya naman walang ibang dapat na sisihin kundi ang sarili. Lucky color: Orange,lucky number:51.