ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag mag-alala kung hindi makatulog sa gabi. Dala lang ito ng nang labis na pag-iisip. Darating ang pagkakataon na magluluwag din ang kalooban. Wag mainip. Lucky color: Brown, lucky number:15.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kailangan mong magbuhos ng dagdag na effort pagdating sa trabaho. Hindi naman kailangan mag-alala dahil habang nag-eenjoy ka sa trabaho mo, hindi magiging mabigat ang bawat araw. Lucky color: Gray, lucky number: 7.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Makakaapekto ang iyong gagawin ngayon sa magiging desisyon. Isiping mabuti ang mga desisyong gagawin upang walang pagsisihan. Mag-isip na mabuti. Lucky color: Blue, lucky number: 44.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi mo mahihikayat ang isang tao ay magbago. Unawain mo na ang bawat isa ay may sariling diskarte. Hayaang maganap ang isang pangyayari na wala sa iyong control. Lucky color: Red, lucky number: 50.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kontrolado mo ang mga pangyayari nitong mga nagdaang araw. Mahirap naman ngayong linggong ito. Pero huwag mag-alala, ang lahat ay malalagpasan pa rin. Kailangang mag-pokus. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Hindi na mahalaga kung naging masalimuot ang pangyayari sa mga nagdaang araw. Humanda sa bagong oportunidad na darating. Abot -kamay na ang iyong swerte. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Ang araw na ito ay mapopokus sa iyong propesyon. Bibigyan ng pagkilala sa magandang nagawa. Iwasan lamang na gawin ang isang bagay kung napipilitan ka lamang. Lucky color: White, lucky number: 18.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi umaayon ang pangyayari sa mga susunod na araw. Pagtiisan ito at huwag munang sumalungat. Ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Lucky color: Black, lucky number: 4.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Naging mabigat ang mga pinagdaanan mo sa ilang araw pero napagtagumpayan mo ito. Bukas ay magiging madali na ang lahat . Ipakita ang sinseridad sa taong kausap. Lucky color: Brown, lucky number: 10.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – sang pagbibiyahe sa malayo ang nangunguna sa iyong mga plano. Merong responsibilidad na dapat munang unahin pero hindi ito dapat maging hadlang sa plano mong paglalakbay. Lucky color: Orange, lucky number:5.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May posibilidad na maging totoo ang iyong kutob na may darating na suwerte. Kailangan lamang na magtiwala sa sarili at kayanin ang isang pagsubok. Lucky color: Blue, lucky number: 12.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magkakaroon ng oras na balikan sa isip ang anim na buwang nakalipas. Mapapansin mo na malayo na pala ang iyong narating. Kailangan na ipagpatuloy ang magandang nasimulan. Malalabanan ang matinding pagkainip. Lucky color: Gray, lucky number: 22.