Biglang binawi ni House Speaker Alan Cayatano ang banat nito sa media na siyang may pakana nang pananabotahe at fake news sa hosting ng Southeast Asian Games (SEAG).
Ayon kay Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) mga ‘political’ operator at hindi mga miyembro ng media ang nagpapalakat ng fake nito sa iba’t ibang social media platform.
“Political siya, political,” sabi pa ni Cayetano
Ginawa ni Cayateano ang pahayag matapos nitong pagbantaan na kakasuhan ng libel at cyberlibel ang mga print at online media na nasa likod ng mga kumakalat na fake news para sirain ng 30th SEAG.
Bnigyan-diin nito na: “He is accusing anyone in the media of intentionally (disseminating) fake news or sabotaging” the SEA Games but he thinks some individuals in the industry were used by those behind the supposed demolition job.”
“I don’t think naman na in general media groups will, you know (act on their own). When you say media groups, may reporters, may editors, boss ganyan, hindi naman ginagawa ng media groups as a whole ‘yan, these are individuals na ganyan nagaganap,” sabi pa ng House Speaker.
Nauna na ring sinabi nito na ilang media company ang binayaran upang mapahiya sita at mawasak ang Phisgoc sa pagpapakalat ng mga ‘fake news’. (JC Cahinhinan)