Alan supalpal sa ABS-CBN pabida

Binasura ng mga kaalyado niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang provisional franchise para sa ABS-CBN wala pang isang linggo ang nakalipas matapos ipangako ni Speaker Alan Peter Cayetano na tutulungang makabalik sa ere ang Kapamilya network.

Sa halip aprubahan ang provisional franchise na tatagal lang hanggang Oktubre 2020, napagkaisahan ng Kamara na ituloy na lamang ang pagdinig sa panukalang batas na magkakaloob ng 25 taong prangkisa sa ABS-CBN.

“The House leadership have decided to forgo with the provisional

franchise but we will immediately proceed with the hearings for

25-year franchise,” ayon kay Cayetano.

Tiniyak nito na magiging “fair, impartial, comprehensive, and thorough” ang isasagawang pagdinig. Aniya, lahat ng mga isyu pabor at kontra sa pagkakaloob ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN ay kanilang tatalakayin.

Inatras ni Cayetano ang isinusulong na provisional franchise matapos malaman sa ginanap na caucus ng Mababang Kapulungan nitong Martes, Mayo 19, na maging ang mga kaalyado niya sa mayorya ay hindi sinusuportahan ang kanyang House Bill 6732.

Katuwiran ni Cayetano sa kanyang provisional franchise bill, makakabalik sa operasyon ang ABS-CBN habang dinidinig ng Kongreso ang aplikasyon nito para sa 25 taong prangkisa.

Subalit para sa mga miyembro ng Kamara ay pagsasayang lamang ng oras ang naturang panukala ni Cayetano dahil wala ring katiyakan kung maaaprubahan ang panibagong prangkisa para sa ABS-CBN sa loob lamang ng limang buwan.

Ginamit pang dahilan ni Cayetano ang COVID-19 pandemic kung bakit isinantabi ang HB 6732.

“Arguing that the fate and future of one corporation, no matter how

influential, cannot be weighed against the welfare of the nation and

the well-being of the people,” sabi ni Cayetano.

“I still believe that dedicating all our efforts to defeating

COVID-19, giving our countrymen something to hope for, and shining the

light at the end of the tunnel, is the right thing to do. And more

importantly, this is the right thing to do now,” dagdag pa nito.

Ipinahayag naman ni dating Senador Antonio Trillanes IV na niloko at pinaasa lamang aniya ni Cayetano ang ABS-CBN para mawala sa kanya ang pressure sa pag-shutdown ng network.

“I knew it. Pinaasa at nilinlang lang ni Cayetano ang ABSCBN to take the pressure off himself. Now, he will take his sweet time,” tweet ni Trillanes matapos ibasura ang panukalang provisional franchise.

Sinang-ayunan naman ito ng mga netizen.

@MariaLuzVilleg5: “Sobrang PAASA po talaga..GRABE..SANA MAY 2022 NA BUKAS.”

@kendra_bernice: “Feeling hero si cayetano kasi i-hear na. Sus, 2 weeks na lang ang session so hindi na rin aabot yan.”