Dear Sir:

Tama si Pres. Duterte lumagda muna ang National Democratic Front (NDF) ng bilateral agreement na magkaroon muna ng ceasefire deal bago niya i-release ang mga political prisoners.

Kapag napirmahan na ang kasunduan saka niya pakakawalan ang mga nabilanggong communist rebels kahit na ang mga ito ay may kasong kriminal. Subalit ang uunahing pakakawalan ay ang mga matatanda na at may sakit. Alang-alang sa diwa ng Pasko at humanitarian considerations ay ipagkakaloob niya ito.

Pero ang sabi ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay, na ang hindi pagpapakawala sa lahat ng mga detainees ay patuloy daw sa pag­labag ng karapatang pantao sa mga detainees. Sinusuri kaya ni Ms. Pala­bay ang kanyang sina­sabi? Na ang mga detainees na ito ay may warrant of arrest. Ibig sabihin kaya sila nabilanggo dahil lumabag sila sa batas?

Merong kasong murder, arson, at iba pa kaya nga nahatulan sila at nabilanggo. Nilabag din nila ang karapatan ng kanilang nabiktima. Nasaan ang sinasabi nilang hustisya? Alam nila ang kanilang karapatan. Paano naman ang karapatan ng kanilang mga nabiktima?

BENJIE A. GLORIA
Lianga, Surigao del Sur

***

Dear Sir:

Aprubado na ng House Committee on Justice ang batas kaugnay sa pagbabalik ng parusang death penalty sa ating bansa. 12 pabor na boto habang 6 ang hindi sang-ayon habang may isang nag-abstain.

Pumabor ang mother committee sa bersyon na nakapasok sa sub-committee on Judicial Reforms kung saan hahatulan ng parusang kamatayan sa heinous crimes maging sa drug related case. Ayon sa substitute bill maaa­ring maging pagbigti, firing squad o lethal injection ang gamiting paraan sa pagpataw ng death penalty.

Sa aking palagay nara­rapat lamang na ibalik ang parusang kamatayan sa sinumang mapapatunayan­ ng hukom na nagkasala sa mata ng Diyos at sa batas ng tao.

Sa panahon ngayon,­ kung saan wala nang takot at hiya ang mga kriminal upang ­gumawa ng mga karumal-dumal na krimen at mga pagkakasalang hindi katanggap-tanggap maging sa batas ng tao, makatwiran na ibalik ang sintensyang­ kamatayan.

Dumarami ang mga preso na nagsisiksikan sa piitan, may mga nakakatakas at may nakakapagpiyansa, bagay na nagiging­ daan upang mabalewala­ ang mga ipi­natupad na batas at nagiging dahilan upang hindi makamit ng mga nagiging biktima ang hustisya.

ANN R. AQUINO
Noveleta, Cavite