Sa Game 2 ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum Linggo­ ng gabi, natabunan ng 82-79 win ng Ginebra ang milestone na inilista ni Meralco veteran point guard Jimmy Alapag.

Kumalas na si Alapag sa pagkakabuhol nila ng ala­mat na si Allan Caidic sa hawak na record ng most 3-pointers made sa career.

Bago ang laro, parehong nakaipon ng 1,243 3-pointer sina Caidic­ at Alapag. Tumagal ng 17 years ang record ng T­riggerman mula 1999.

Sa 4:49 ng second quarter, ibinaon ni Alapag ang record-breaking 3. Pati ang Gin Kings players, sumaludo sa kanya.

Sa centercourt, kasa­ma ni Alapag ang asawang­ si LJ Moreno at dalawa nilang anak nang iabot kay Mighty Mouse ang bola ni PBA commissioner Chito Narvasa.

“Thank You ALL for the kind words regarding the 3pt record. Honored to be w/ the legendary and GOAT Allan Caidic. @trggrmn #Respect” post ni Alapag (@JAlapag3) sa Twitter.