Hindi na makapaghintay pa si Philippine Basketball Association star Kevin Alas ng NLEX (North Luzon Expressway) na pakasalan ang kanyang long-time girlfriend na si Selina Dagdag.

Hunyo ng nakaraang taon nang mag-propose ang cager sa nobyang PBA courtside reporter habang nagbabakasyon sila sa Taiwan.
Sa kanyang Instagram post, matamis na pagbati ang inialay ni Alas kay Dagdag sa kanilang 34th monthsary.

“@selina_dagdag Happy and blessed that I get to spend this quarantine with my soon to be wife! (4 months and 1 week to be exact till our wedding😄) Can’t thank God enough for you. You are the best and most ideal lifetime partner I could ever have prayed for. I love you so much” litanya ng 28-year-old Las Piñas native at six-footer guard ng Road Warriors.

Sweet naman siyang tinugon ng girlfriend na ibinahagi sa Facebook.

“Spending time with you and your family during this ECQ makes me more grateful and excited to marry you and spend the rest of my life with you!! Ahhh, Im soo blessed. Happy 34th Monthsary, love!” (Janiel Abby Toralba)