EKSAKTONG 41 weeks na nasa sinapupuntan ni Kylie P­adilla bago niya iniluwal ang baby boy nila ni Aljur Abrenica na pinanga­lanan nilang si Alas Joaquin.

Kamakalawa ipinost ni Kylie sa Insta­gram ang detalye ng kanyang panga­nganak.

Doon na rin niya ipinakita sa publiko ang napaka-cute na mukha ng kanilang anak.

Sabi niya, ­“After four days of hard ­labor, here we are my love. Everything was worth it. I’m so proud of you.

“To the world, meet Alas Joaquin Abrenica. 7.5 pounds, born at 10:31 pm on August 4, 2017.

“The love of our lives @ajabrenica.

“Welcome to the world, our little prince.”

Unang post ni Aljur pagkatapos manganak ni Kylie ay ang oras nang panganganak nito na “Alas diez treinta Y uno.”

Nasa caption nito, “I’m so proud of you… I love you #Strong­WomanKyNiPad”

ALAS at ALJUR
ALAS at ALJUR

Kamakalawa rin ay nag-post na si Aljur ng kuhang magka-hawak-kamay sila ni Kylie, at meron siyang kuhang naiiyak na siyang katabi ang ina ng kanyang anak.

Sabi niya, “Can’t put into words how I feel. Going through so many happy emotions at one time… unexplainable… there’s just so much love…”

Nag-post din si Aljur ng pic na kalong ang ­panganay nila ni Kylie.

Aniya, “A Miracle in my hands.. I must’ve done something right in this world to deserve you. I love you ♥”

Ang cute ng baby nila na ang komento ng ilang nakakita ay kamukha ng lolo na si Robin Padilla.

May isang post din si Kylie na magkasama ­silang tatlo at nakatingin siya kay Aljur.

Nasa caption nito, “The two boys who own my heart.”

***

Pinuno ng mga pag­bati ang kanilang IG ­account mula sa mga fans, sa mga ­kaibigan at katrabaho nila sa ­showbiz.

Sa pamilya ng ­Encantadia, si Ruru ang unang-unang bumati kay Kylie.

May Viber group daw pala sila sa grupo ng Encantadia, at doon na lang nakita ng mga ka­grupo nila na nanganak na pala ito.

“Masaya ako na ­sobrang safe ‘yung ­bata, healthy.

“Nakaka-excite din dahil gusto na namin makita yung bata. ­Enca baby kasi ‘yun eh,” ­pahayag ni Ruru.

Tamang-tama rin ngayong buwan ng ­Agosto ay tinawag pala nilang Breastfeeding Month, at isa sa ­active na sumusuporta at nagpu-promote nito sa social media ay si Mariel Rodriguez.

Noon pa man ay sinasabi ni Robin na si Mariel talaga ang nakatutok kay Kylie.

Kaya malamang na siya na ang una-unang tutulong sa pag-alalay kay Kylie sa breastfeeding.