Nasa two-game winning roll ang Alaska, susubukang pahabain pa laban sa nasa three-game skid na Phoenix sa second game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Kumakapit sa 8th spot ng PBA Gover­nors Cup ang Aces sa 3-6, kailangan ng ­panalo para umangat at mapalakas ang tsansa sa top eight na bibiyahe sa quarterfinals.

Sa kabilang banda, naglilimlim sa 11th ang Fuel Masters sa 2-7. Must-win din sila para magkaroon ng multiple-tie sa 7th o 8th places at kahit paano ay mabuhayan ng tsansa na humirit kahit playoff sa last slot sa next round.

“Even if we win the next two games, may kailangan pa rin kaming ipagdasal na maka-tie,” ani Phoenix coach Louie Alas. “I told the guys do not come in practice (last Saturday) as if we have no chance.”

Kahit ­namimiligro nang masipa, may ­paalala si Alas sa ­kanyang squad: “It’s your responsibility to finish it (conference) strong.”

Aminado ang coach na apektado ang players niya sa kumakalat na trade rumors, kinausap niya ang mga ito para pakalmahin.

Nabaon ang Fuel Masters sa Magnolia 97-81 noong Miyerkoles.

Muling sasandal si Alas kina Jason Perkins, Alex Mallari, Matthew Wright at import Alonzo Gee.

Nawala na si Chris Banchero sa Alaska pero nakadalawang sunod na panalo ang Aces, huli kontra NorthPort 106-99 noong Nobyembre 3. Pinamigay si Banchero sa Magnolia kapalit nina Rodney Brondial at Rob Herndon. (VE)