Alas nagka-ACL na naman

May isa na namang dagok kay Kevin Alas sa murang-mura niyang career sa Philippine Basketball Association matapos ang isa pang ACL tear, muli sa kanang tuhod, na dumisgrasya sa kanya noong isang taon.

Kinumpirma kahapon ni team ma­nager Ronald Dulatre na pagkatapos ng 87-83 win ng NLEX sa Meralco sa Philippine Cup elims noong Feb. 2 sa Ynares Center – Antipolo City, sumailalim ang Road Warriors guard sa MRI sa Delos Santos Hospital.

Unang dumanas ng kagayang injury ang cager noong Marso 2018 na bumigo sa kanyang makumpleto ang 43rd season ng pro league.

Nasa ikalimang laro pa lang sa season-opening PBA Philippine Cup elims ang 27-year-old at second pick overall sa 2014 draft nang masamang bumagsak sa rebound battle nila ni Bolts center Cliff Hodge na nagpaaringking sa kanya habang lugmok sa sahig.

May tsismis na minadale umano ang rehab ng player para muling ikaaksidente nito.

“We regret to inform the public that Kevin Louie Alas sustained an ACL injury on his right knee during our Feb. 2 game against the Meralco Bolts, Our medical team is set to confirm the extent of the injury through MRI results on Tuesday (Feb. 5),” statement ng team.