Mga laro ngayon: (Mall of Asia Arena)
4:30 p. m. – Columbian vs Blackwater
7:00 p. m. – Alaska vs Phoenix
Puntirya ng Phoenix Pulse ang ika-2 sunod na panalo at ika-7 sa kabuuan sa ika-8 salang upang mabuntutan sa next round at liderato ang Rain or Shine, at sa ika-2 upuan sa quarterfinals kontra sa Alaska Milk sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Philippine Cup elims sa Mall of Asia Arena, Pasay City ngayong Biyernes.
Magbabanatan ang sumesegundong Fuelmasters (6-1) at tumerserong Aces (2-1) sa alas-siyete ng gabi makaraan ang panghimagas na sultada sa alas-4:30 ng hapon ng nasa ika-7 Columbian (3-4) at nasa ika-9 na Blackwater (1-6).
Dalawang free throw ni Jason Perkins Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum, Quezon City, ang nagsalba sa PP kontra NorthPort, 98-96, sa pagbabalik ng season-opening conference mula sa dalawang linggong pansamantalang pamamahinga dahil sa FIBA World Cup qualifiers.
Nasa kambal na pananalanta rin ang mga maggagatas na huling umalpas kontra Blackwater nu’ng Pebrero 13, 103-101 sa MOA rin.
Depensa ang magiging tinapay at palaman ng gasolina upang maisakatuparan ang misyon.
“Our character defensively, nag-i-improve. Four of our six won games, galing sa defensive stop,” sambit ni Phoenix coach Francisco Luis ‘Louie’ Alas, na kakalasag kina Justin Chua, Calvin Abueva, Perkins at RJ Jazul.
Kumayod ng 19 pts. at 9 rebounds si Chua kontra Batang Pier samantalang mga naka-14, 12 at 10 markers sina Abueva, Perkins at Jazul, ayon sa pagkakasunod.