Top seed ang Phoenix pagkatapos ng 11-game eliminations ng PBA Philippine Cup.
First ‘yun sa prangkisa na pumasok sa liga noong 2016 matapos bilhin ang Barako Bull team.
Unang tikim ng twice-to-beat sa playoffs, isang bigwasan lang dinaan ng Fuel Masters ang No. 8 Alaska sa quarters.
Sa unang sampa rin sa final four, natoka ang hukbo ni coach Louie Alas sa San Miguel Beer sa semifinals. Nakipagpukpukan ang Fuel Masters sa Beermen, pinahirapan nang husto ang four-time defending champions.
Sa dulo, naging flat ang pulso ng Phoenix at tumukod sa series 4-1.
“Medyo short kami pero madami kaming natutunan dito (series),” bulalas ni Alas paglabas ng dugout sa Cuneta Astrodome tapos ng 105-94 Game 5 loss noong Huwebes.
“San Miguel is a very, very strong team at ang hirap talunin.”
Marami silang napulot na leksiyon na magagamit sa mga susunod pang conference.
“Lesson learned, kasi this is our first time na naglaro sa semifinals,” paliwanag ni Alas. (Vladi Eduarte)