Alaska IronKids pakakawalan sa Cebu

Bago ang elites, mga tsikiting muna ang papagitna sa pag-arangkada ng Alaska IronKids Triathlon ngayong Sabado, Aug. 5, sa Shangri-La Mactan Resort and Spa sa Cebu City.

Pangungunahan ng magkapatid na Tara at Francheska Borlain ang mahigit 360 kabataang edad 6-14 na tutugon sa starting gun ng event na hinati sa apat na divisions at ginawang pala­bok bago ang Cobra energy Drink Ironman 70.3 Championship sa Linggo.

Dinomina ng Borlain kids ang kani-kanilang age divisions sa mga naunang Alaska IronKids race series.

Focus sina Tara at astigin sa boys side na si Wacky Baniqued na inaasahang haharurot muli sa 13-14 category ng junior version ng Ironman na tatampukan ng swimming, biking at running events.

Ang iba pang events dito ay ang 6-8, 9-10, 11-12 at 13-14 categories. May 24 teams na binubuo ng 72 participants ang magbubuno sa relay competitions.

Susuportahan nina ­triathlon reigning champion Tim Reed at Regent 5150 titlist Dimity-Lee Duke ang mga participants sa Alaska IronKids ng event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc at suportado ng Cobra Energy Drink.