Game 5 sa Biyernes (Smart Araneta Coliseum) 
7 pm – Alaska vs. Magnolia 

Naitakbo ng Alaska ang pisikalang Game 4 90-76 para itabla ang PBA Governors Cup Finals sa tigalawang laro Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum­. 

Babasagin ng dalawang ang pagkakabuhol sa Game 5 bukas sa Big Dome din. 

Sa kalagitnaan ng third quarter, pumutok ang pagitan ng mga mata ni Romeo Travis nang abutin ng siko ni Alaska import Mike Harris. Pa-drive ang reinforcement ng Magnolia ang tamaan, sargo ang dugong pumunta ng dugout 5:58 sa period. 

Tinanggap ni Harris ang Best Import award bago ang laro bago nagpasabog ng 34 points at 22 rebounds para bitbitin ang Aces. 

Itinabla ng 3-pointer­ ni Best Player of the Conference Paul Lee ang Magnolia sa 29-29,WW pero tinapos ng Alaska ang 6 1/2 minutes ng second­ quarter sa 13-3 blitz tu­ngo sa 42-32 lead sa halftime. 

Nilista ni Harris ang anim sa pangkalas na pasabog ng Aces. 

Dumikit ang Hotshots 48-46 sa jumper ni Ian Sangalang pero muling nilista ng Aces ang sumunod na walong puntos para ibalik sa double-digits ang lamang. 

Bumalik sa laro si Travis na may dalawang tahi sa noo 1:18 pa sa third, pero abante pa rin ang Aces 63-50 papasok ng fourth. 

Dumistansiya ang Alaska 71-54 sa reverse layup ni Jake Pascual 7 minutes pa.

Lumapit pa ang Hotshots 82-73 sa long range bomb ni Travis 1:38 sa orasan, pero agad sumagot ng pamatay-sunod na 3 din si Banchero. 

Huling hirit ng Magnolia ang long 3 ni Lee 87-76 sa final 51 seconds.