Alay sa mga ina: Kris namudmod ng tig-P5K

Magiging espesyal ang pagbabalik ni Kris Aquino sa social media dahil isinabay niya ito sa Araw ng mga Nanay.

“I’ve missed you… BUT na feel ko special occassion ako dapat maki-connect ulit… SUPER SPECIAL ang araw na pinagdiriwang nating lahat ang mga ina, nanay, mommy, mothers and mamas,” sey ni Kris.

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ni Kris na mamaya sa kanyang Facebook Live bandang alas-8:30 ng gabi ay pipili siya ng 10 na pagkakalooban ng P5,000 ngayong COVID-19 pandemic.

“I’ll be choosing 10 of you who will receive PHP 5,000 each that we’ll send via money remittance tomorrow by lunchtime,” sey ni Kris.

Ilang beses na ring nag-lie low si Kris sa social media at nag-deactivate pa dahil sa nararanasang depression noong 2019. (RP)