Albay motorcycle accident dalawa patay

Patay ang isang sundalo at miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kongkretong marker sa boundary ng Guinobatan at Camalig, Albay kamakalawa ng hapon.

Nakuha pang isugod sa magkahiwalay na pagamutan ang mga biktimang nakilalang sina Sammy Celorico, miyembro ng CAFGU na nakadestino sa 22nd Infantry Battalion (IB), at Sgt. Roberto Sabas, 47, miyembro ng Philippine Army na nakabase sa 22nd IB, subalit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga sumuring doktor dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.

Ayon sa report, dakong ala-1:30 ng hapon ng maganap ang aksidente at napag-alamang mago-overtake sana si Celerio ng mabulaga sa kasalubong na sasakyan kaya bumangga.