Nanguna ang lalawigan ng Albay sa mga insidente ng nagpapakamatay base sa 31 katao na naiulat sa pagsisimula ng taon hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Sr. Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office (PPO), ‘broken hearted’ ang karaniwang dahilan ng mga taong nagpapakamatay matapos hiwalayan ng asawa o ng karelasyon base na rin sa mga iniwang suicide note ng mga biktima.

Karamihan din sa mga ito ay ‘di lalagpas sa 20-anyos ang edad.

Ang lungsod ng Legazpi at Tabaco ang nanguna sa mga insidente ng suicide dagdag pa ni Gomez na mayroong tig-limang kaso habang ang Ligao City, Bacacay, at Libon naman ay tig-tatlong insidente.

Pinayuhan ang mga magulang na gabayang maigi ang kanilang mga anak sakaling mayroon silang nakikitang problema.

Maaari ring tumawag sa 24/7 suicide prevention hotline ng DOH (02) 804-4637.