Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar ang prestihiyosong Cavaliers Award sa ginanap na Philippine Military Academy (PMA) Homecoming sa Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City.
Bukod kina Cavaliers Albayalde at Eleazar, tumanggap din ng Cavaliers award mula sa PMA Alumni sina Cavaliers Ronnie Gil Gavan, para sa Coast Guard Operations, PMA Class 1993; Harold Nemeno, para sa Special Operation, PMA Class 99; Gilbert Villareal Jr, para sa Naval Operations, PMA Class 98; Ramon Flores, for Army Operations, PMA Class 94; Rolando Conrad Pena III, for air operation, PMA Class 97; Leo Ang Diel Leuterio Jr., for alumni affairs, Class 88 ng PMA; Jesus Lomeda Jr, for special field, PMA Class 80; Fernando Mesa, for Public Administration, PMA Class 75; at Louie Ticman for Private Enterprises, Class 76 ng PMA.
Samantala, sa panayam naman kay Albayalde at Eleazar, sinabi ng dalawang mataas na opisyal ng PNP na masaya sila sa pagkakatanggap ng Cavaliers award, ang pinakamataas na parangal sa mga nagsipagtapos sa PMA.
Ang nasabing parangal ay magsisilbi umano sa kanilang inspirasyon upang mas pagbutihin nila ang kanilang serbisyo sa natitirang taon at buwan sa kanilang tungkulin.
Umabot naman sa mahigit 6,000 mga alumni ang dumalo sa PMA Homecoming na taunang ginaganap sa Fort Del Pilar sa Baguio City.