Albayalde nagbitiw bilang PNP chief? Fake news! – PNP spox

Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) spokeperson Brig. Gen. Bernard Banac ang kumakalat na balita sa social media na nagbitiw na bilang pinuno ng kapulisan si PNP Chief General Oscar Albayalde matapos ang mga kontrobersiya sa pagdawit sa kanya sa drug recycling.

“The PNP dispels the rumor circulating in social media that the PNP chief, Police General Oscar Albayalde has resigned from his post,” saad ni Banac sa kanyang statement.

“As repeatedly stated by Police General Albayalde, ‘I leave my fate to the decision of the President’. He is ready to turn-over his post to anyone selected by the President to lead the PNP,” dagdag nito.

Matatandaang si Albayalde na noon ay Provincial Director ng Pampanga, ay idinadawit sa illegal drug operation na isinagawa ng kanyang mga tauhan sa Woodbridge Subd., Lakeshore View sa Maxico, Pampanga noong Nobyembre 29, 2013.

Ang nasabing operasyon ay nakitaan ng iregularidad dahilan upang magsagawa ng Senate investigation laban sa tinaguriang “ninja cops”, ang terminong ibinansag sa mga pulis na nagre-recycle ng iligal na droga. (Edwin Balasa)