Albayalde non-duty status na sa PNP

Nagdesisyon na si Philippine ­National ­Police (PNP) chief ­General ­Oscar ­Albayalde na mag-non-duty ­status (NDS) matapos na mapagod na umano ito ­sasobrang pag-iisip ­dahil sa mga ibinabatong akusasyon sa kanya na may kinalaman umano siya sa pag-recycle ng ­iligal na droga.

Ayon sa isang source mula sa Camp Crame, nagdesisyon na si ­Albayalde na mag NDS hanggang sa Oktubre 29, 2019 kung saan gagawin ang pagpapalit ng PNP chief.

Papalit sa puwesto ni Albayalde bilang PNP chief officer in charge (OIC) si PNP chief for ­operation Police Lt. ­General Archie Gamboa.

Ayon sa batas, ang isang police official na NDS ay miyembro pa rin ng police ­organization subalit hindi na ito magtatrabaho at ­maghihintay na lamang na dumating ang araw ng kanyang ­pagreretiro.

Matatandaang na­sangkot si Albayalde sa ginawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa ‘ninja cops’ kung saan isang Chinese drug lord ang nadakip ng mga tauhan nito sa isinagawang drug raid sa Mexico, ­Pampanga noong Nobyembre 29, 2013. (Edwin Balasa)