PAGKATAPOS ng mga pa­santol na photo shoot ni Marco Gumabao para sa Bench Body ay naglabasan naman ang pabukol shoot nina Kiko Estrada, Albie Casiño at David Licauco.

Kung sa Palawan kinunan ‘yung kay Marco, sa Siargao naman kinunan ang Open Paradise summer campaign nina Kiko, Albie at David.

Kasama sa mga ni-launch na Bench Body hunks ang Kapuso actor na si Bruno Gabriel kaya inusisa namin si Bruno kung kailan lalabas ang kanyang underwear shoot.

Ang sabi ng 6-footer na binata, hindi pa siya nagsu-shoot ng summer campaign for Bench Body, pero handa siya rito anytime.

“Dude, I’m an underwear model, I have to do it,” natatawang dayalog sa amin ni Bruno.

Kaya niya bang tapatan ang ginawa nina Marco at Kiko?

“Oo, bakit hindi?” game na sagot ng anak ng da­ting sexy star na si Lani Lobangco.

Nung Bench Under the Stars fashion show ay rumampa si Bruno nang naka-brief lang sa MOA Arena.

Na-excite daw siya sa experience na ‘yon at kaya niyang gawin ito ulit.

Ang dating sa amin ni Bruno ay wala siyang keber sa hubaran.

“I’m not a very reluctant guy. I think daring for others­ is not necessarily daring for me,” pakli niya.

Growing up, he’s always wanted to be an underwear model.

So, wala siyang arte pagdating sa nudity?

“Maybe. Depends on what it calls for. At the end of the day, artist pa rin ako eh.”

Kung offer-an siya ng isang matinong movie kailangan niyang mag-frontal, keri niya ba?

“Maybe. I’ll never know till I get there. There’s nothing to be afraid of. I love my body and nobody should be afraid of anything about their body,” sey ng binatang 11” ang shoe size.

Hindi ba siya naiilang na may bumakabat-bakat at bumubukol ‘pag naka-skimpy underwear siya?

“No. I mean, that’s me. What can I do?” sagot ni Bruno, sabay tawa.

Never pa raw naligawan ng bading si Bruno, na napapanood sa Kapuso morning series na Ang Forever Ko’y Ikaw katambal si Ayra Mariano.

Big ba si Chris?

‘Naman! Ha! Ha! Ha!’ — Gladys

11 years na magkasinta­han at 14 years nang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, na 25 years nang together ngayong 2018.

15-anyos si Gladys at 13-anyos si Chris nu’ng Mara Clara days nila na maging childhood sweethearts sila.

Ibig sabihin ay si Chris lang ang bukod tanging lalaki sa buhay ni Gladys dahil mula pagkabata ay ito lang ang naging nobyo niya hanggang sa naging asawa.

Wala ba siyang regrets na isang lalaki lang ang natikman niya sa buong buhay niya?

“Ay, hindi. Ang masasabi ko lang, one time big time! Kaya wala akong regrets,” natatawang sagot sa amin ng babaeng bakla na si Gladys.

In fairness ay may ibang nanligaw daw sa kanya noon, pero si Chris lang talaga ang kaisa-isang minahal niya.

Wala man lang siyang na-enjoy o na-experience na iba?

“Na-enjoy talaga? Ano ‘to, pagkain? Ha! Ha! Ha! I have no regrets!” sambit ng premyadong kontrabida.

Walang pakialam si Gladys kung nagkaroon ng iba dati si Chris, basta raw siya ang huli. At alam niyang mula nang ikasal sila ay walang naging ibang babae ang kanyang mister.

Actually, ngayong may asawa na si Chris ay parang mas nilalapitan daw ito ng mga babae. Pero lo­yal at faithful ito kay Gladys at never na-tempt sa iba.

Half-French si Christopher na Sommereux ang tunay na apelyido. Maga­ling bang makipag-French kiss si Papa Chris?

“Ay, alam mo na! Kaya no regrets. Kasi, one time big time!”

BIG ba talaga?

“Namann!! Ha! Ha! Ha!” mabilis na sagot sa amin ni Gladys.

Paano niya nasabing ‘big’ eh wala naman siyang mapagkukumparahan?

“Ay naku, basta. I know! Basta, alam ko!” napapangiting hirit ng aktres, na apat na ang anak kay Chris.

Aligaga ngayon ang mag-asawa sa Estela Restaurant and bar na bagong negosyo ng mag-asawa.

Kasama si Gladys sa upcoming Kapuso series na Inday Will Always Love You na kinunan sa Cebu, tampok ang DerBie loveteam nina De­rrick Monasterio at Barbie Forteza.