Hindi makapaniwala si Antique Rep. Loren Legarda sa suhestiyon ni US President Donald Trump na subukan ang pag-injection ng mga disinfectant tulad ng alcohol panlaban sa COVID-19.

Ayon kay Legarda, hindi niya maisip na isang head of state ang makakaisip ng kakaibang ideya na maglalagay sa mga tao sa kapahamakan.

“This is so dangerous. I hope not a single human being actually believes what he said and I hope no one would actually try the idiotic idea,” tweet ng dating senadora.

“Inconceivable that a head of state would surmise that!”

Nag-ugat ang suhestiyon ni Trump matapos ilabas ni Homeland Security for Science and Technology Under Secretary Bill Bryan ang kanilang findings na mabilis mamatay ang virus na nagdudulot ng COVID-19 kapag nasinagan ng araw at nababad sa disinfectant tulad ng alcohol at bleach.

“I see the disinfectant that knocks it out in a minute, one minute. And is there a way we can do something like that by injection inside, or almost a cleaning? Because you see it gets inside the lungs and it does a tremendous number on the lungs, so it would be interesting to check that,” ani Trump.

Nagbabala naman ang mga kompanyang gumagawa ng disinfectant sa pahayag ng US President.

“We must be clear that under no circumstance should our disinfectant products be administered into the human body (through injection, ingestion or any other route),” ayon Lysol and Dettol, Reckitt Benckiser.

“Bleach and other disinfectants are not suitable for consumption or injection under any circumstances” paglilinaw naman ng Clorox Co.(RP)