Alden adik sa game

Aminado si Alden Richards na naging full-time gamer siya during this time of ECQ. Noon pa ay gamer na talaga ang Pambansang Bae at ito ang kanyang libangan. Pero dahil nga sa hectic schedule niya ay tuwing may free time lang niya ito nagagawa.

Pero ngayong nasa bahay lang siya for almost two months, ani Alden ay ang paglalaro ng online mobile games tulad ng Ragnarok at Mobile Legends ang kanyang kaligayahan aside from his family na lagi niyang kasama ngayon.

“Sa mga nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan ko, siyempre, Mobile Legends but on top of it, mas focused ako ngayon sa Ragnarok Mobile. Ragnarok Mobile is life right now,” sey ni Alden sa Instagram live session niya last Sunday.

Pero hindi lang naman puro paglalaro ang ginagawa niya dahil aktibo rin siya sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Sta. Rosa Laguna.

Nami-miss na raw niya ang mga kaibigan niya, at higit sa lahat ay ang kanyang work.

Natawa naman si Alden nang may magtanong na netizen kung ano ang tawag sa hair niya ngayon. Medyo mahaba na kasi ito ngayon.

“Pa-Korean na nga yata ‘to, eh,” natatawang sambit ng aktor.

Nilayasan na si James: Nadine lumipat sa sariling condo

Ngayong ECQ, ayon naman kay Nadine Lustre ay nagkaroon siya ng maraming oras for herself. As we all know ay lumipat na ang aktres sa sariling condo niya matapos ang break-up with James Reid and slowly adjusting na rin siya sa pagso-solo.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Nadine last Sunday ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

“Had a lot of time to reflect, write, cook, play computer games, plan ahead and slow down… also had a lot of time clearing out my space which is a huge achievement for me.

“Im against throwing away things so I decided to put them all on sale.

“Big shout out to everyone who shopped on my depop to help our frontliners!” ang pahayag ni Nadine sa kanyang IG.

Matatandaang inanunsyo na rin ni Nadine na ibenebenta nga niya ang kanyang mga pre-loved items at ang pinagbentahan nito ay gagamitin niya para tumulong sa ating frontliners.

Mukhang hindi na rin talaga parte ng buhay ng aktres si James although in her live interview last month ay sinabi niyang okay naman daw sila ng ex-boyfriend.

Sa nasabing panayam ay sinabi rin niyang wala siyang time mag-entertain ng suitors ngayon dahil of course, bukod nga sa lockdown ay hindi ito ang kanyang priority ngayon.

“I’m not thinking about that right now, I have a lot of fans, you know, I have a lot of stuff that I wanna do pa and I’m not really thinking about that right now,” sey ni Nadine.