Walang kapaguran ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Ang tindi ng energy niya kahit inaabot nang madaling-araw sa taping ng Victor Magtanggol. Pagdating nang tanghali mapapanood pa rin siya sa ‘Eat Bulaga’.

Nu’ng Huwebes nasa ground breaking si Alden sa bagong branch ng kanyang negosyo na Concha’s Garden Café sa Silang, Cavite.

Masarap na pagkain at masahe lang daw ang panlaban niya sa puyat at walang pahinga. Malaking ginhawa sa pagod niyang katawan ang pagpapamasahe.

Samantala, ngayong Sabado ay may event siya sa Boardwalk.

Sa Linggo naman ay TV airing ng Adrenaline Rush concert sa GMA 7.

Nominado rin siya sa PMPC Star Awards for TV sa Linggo para sa Best Single Performance by An Actor sa ‘Magpakailanman’ episode at Best Male TV host para sa ‘Eat Bulaga’.

Bukod ito meron din siyang webisodes para sa Cookies Peanut Butter bilang ambassador. Kamakailan ay nag-taping siya sa bahay nina Cookie at Joy Yatco na owner ng Cookies Peanut Butter sa Biñan, Laguna. Digital campaign ito para sa mga pagkain na puwedeng iluto at haluan ng Coo­kies Peanut Butter. So, abangan ang pagluluto ni Alden sa online.