SA wakas ay tinapos na ang Kalyeserye ng Eat Bulaga nu’ng Sabado.

Nagpa-despedida sina Alden Richards at Maine Mendoza para kina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) bago lumipad ang dala­wa papunta ng Amerika.

Nag-abala ang AlDub na maghanda, magdikit ng pictures ng mga lola at mag-imbita ng mga bisita para sa pag-alis ng dala­wang matanda.

Syempre ay nase-SEPANX (separation anxiety) sina Alden at Maine na aalis na ang mga lola at iiwan na sila. Kahit ang mga Rogelio ay nase-sepanx din.

Pero kampante si Lola Nidora dahil okey na ang dalawang bata, na ngayon ay magkasintahan na.

Nagbigay ng mensahe si Lola Nidora kay Alden, na nangakong aalagaan nito si Meng.

May mensahe rin si Lola kay Meng at sinabing natutuwa siya sa nakikita niya araw-araw dahil lumaki ng maayos at mabuti si Meng.

Nagpasalamat din si Menggay sa kanyang lola at mami-miss niya raw ito.

Kinuha ni Lola Nidora ang mga kamay nina Alden at Maine at ang sabi, “Magmahalan ka­yong dala­wa. Kung sisirain man ng ibang tao ang relasyon n’yo, maniwala kayo sa isa’t isa.”

“Huwag kayong magpadala sa mga tsismis o ano. Sarili n’yo ang paniwalaan n’yo, ang tibok ng puso. Ang tibok ng puso n’yo ang magdidikta sa inyo.”

Nang muling tawagin ni Tisoy na Baby Girl si Menggay ay tinawag nitong ‘Baby Oil’ si Alden.

Sabi ni Tito Joey de Leon, tawagin ni Alden si Meng na ‘Baby Wipes,’ tutal naman daw ay magi­ging ‘husband and wipes’ ang mga ito balang araw.

Parang ang daming natutuwa kung magiging Baby Oil at Baby Wipes ang tawagan ng dalawa kesa Baby Boy at Baby Girl.

“We shall return,” ang pramis ni Lola Nidora bago ito tuluyang nagpaalam.

Alden Richard, Maine Mendoza, Lola Nidora at Lola Tinidora
Alden Richard, Maine Mendoza, Lola Nidora at Lola Tinidora

Kuwela ‘yung sinasakyan na van ng mga lola dahil sinundan ‘yon ng mga naglalakad na tao sa likod, kaya nagmukha itong funeral procession!

Lakas ng tawa ni Allan K at ng mga Dabarkads sa studio.

Itsura ng dadalhin sa huling hantungan ang mga loley!

Dahil nagbabu na ang Kalyeserye, abangan natin today kung ano’ng magiging kapalit ng segment na ito, kung papa­litan man ito ng Eat Bulaga.

At dahil panibagong yugto na ito sa buhay nina Alden at Maine, dapat din yatang palitan na ang AlDub at gawin nang MAIDEN dahil Maine na ang pangalan ni Menggay at matagal nang hindi ginagamit ang Yaya Dub.

So, dapat siguro, pati sa daily pa-hashtag ng AlDub Nation ay gawin nang MaiDen dahil umpisa na ito ng bagong simula at tapos na ang era ni Yaya Dub!

One Response