WALEY: Nakausap namin si Alden Richards sa kanyang QC resto at excited ito sa kanyang taping kahapon para sa kanyang bagong teleserye with Maine Mendoza.
Overwhelmed pa rin siya sa pagkikita nila nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isang party at sinabing fan siya ng mga ito.
He described John Lloyd as cool at simple lang at bugoy rin pala.
Nasabi namin na kasama si Lloydie bilang jury ng darating na Metro Manila Film Festival at sinabi ni Alden na susuportahan niya ito.
Hahanap siya ng panahon para manood ng entries.

Nabanggit din niya na gusto niyang magkaroon ng pelikulang lahok sa MMFF in the future.
Kasama sa wish list niya ang magkasama sila ni Lloydie sa pelikula.
Hindi malayong mangyari ‘yun dahil sa APT siya may film contract at puwede itong mag-co-prod with Star Cinema kung sakali.
Dobleng saya pa siguro kung maihahanda nila ito para sa MMFF next year!
***
HAVEY: Nag-post kamakailan si Ai Ai delas Alas tungkol sa pakikipagkita niya at meeting sa mga taga-Star Cinema para sa isang pelikula.
Masaya ang pag-uusap lalo pa’t matagal-tagal na ring hindi nakikita si Ai Ai sa isang mainstream film.
Limitado ang nakapanood ng pelikulang Area at ang kanyang My Mighty Yaya ay sadyang hindi na isinama sa Metro Manila Film Festival dahil may shoot pa raw ng ilang big scenes.
On hindsight, sana isinumite nila ang pelikulang ito ni Direk Joey at baka mas malaki pa ang tsansa nitong mapasok sa official list kaysa sa Mano Po 7: Chinoy.
Aside from Sunday PinaSaya at ‘yung sitcom nila ni Bossing Vic Sotto, parang Ai Ai needs a new vehicle para ipakita ang kanyang pull sa tao.
Sorely missed siya sa GMA7 Christmas Special.
Instead of her introducing the comedy segment with Michael V., si Eugene Domingo ang gumawa nito at napatanong tuloy ako, “Nasaan si Ai Ai? Bakit wala siya sa isang major event samantalang isa siya network contract artists?”
May kinalaman ba ang pakikipag-meeting niya sa mga ABS-CBN bosses kaya medyo matamlay ang dating sa kanya ng mga tao sa Kapuso network?
On the onset of Kris Aquino coming into GMA 7 and who is anticipated to be slipped into the Kapuso Progamming, I suppose inaabangan ang mga susunod na hakbang ni Ai Ai.
Matuloy kaya ang biru-biruang usapan nilang mag-friendship na, “Krissy, kung alam ko lang na lilipat ka sa Siyete eh ‘di sana hindi na lang ako lumipat.”
Pero nakatakda mang gumawa ng pelikula si Ai Ai sa Star Cinema next year, sana’y mabigyan siya ng mas magandang project sa TV.
As for her expiring contract sa GMA 7, halos mid-year pa ‘yan kaya anything can happen.
Hypothetical question — welcome pa ba kung sakali si Ai Ai sa Dos in case umalis ito sa Siyete after her contract?
Ang sagot diyan ay OO!
It seems like excited ang Kapamilya network to have her back again.
More excited than Kris Aquino kaya ito?
Sabi nga ni Ma’am Charo, when all the stars align and in God’s perfect time!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
Hahaha pinagppantasyahan ni aldena si lloydie
eh kasi nga naman si lloydie pogi na , mabait pa at award winning actor pa.
after magpaka-fangirl ni maine kay piolo
now si alden naman
balita ko nga gusto daw mahalikan ni alden si lloydie eh
ano kayang say ni maine doon?
haha
AiAi Àlone di na mabenta Laos na! Nakikiride on na lang sya sa mga sikat pra pag usapan!!!