Posibleng payagan na ng gobyerno na mag-taping ng mga teleserye at mag-shooting ng pelikula simula May 1. Pero ang location ay sa mga lugar na may General Community Quarantine. Hindi ito puwedeng gawin sa Metro Manila na nasa ilalim pa rin ng ECQ.
Ano ang reaksyon ng ilang artista tungkol dito? Ready na ba silang bumalik sa taping?
Ayon kay Alden Richards, medyo mahirap daw ang situwasyon. Masyadong maaga pa. Parang hindi pa raw okey na mag-start dahil maraming taong involved . Kumbaga, maraming physical contact na mangyari.baka minimal lang ang galaw.Pero nasa GMA raw ang decision kung ano ang gagawin nila.
Lahad naman ni Alma Concepcion: “Mahirap kumilos pag ganyan. Meaning kailangang umalis ng Metro Manila ang buong staff,crew at artista.
Magkakaron din sila ng physical distancing sa loob ng sasakyan, sa location hanggang sa pag- uwi. Tapos paano ‘yung mga eksena na kailangan yumakap? Matatanggal din yun. Pati sa mga mapapanood natin may physical distancing. Mag-iiba ang acting ng mga artista sa mga eksena tulad ng paghawak sa anak, asawa, paghuli sa criminals. Excited din ako na makita ang mga pagbabago di lamang sa tv & movie industry kundi sa lahat. Mababago na talaga ang “normal” sa atin ngayon.
“Pati ‘yung mga naghahanda ng pagkain sa taping,shoots dapat nak- complete gear. Yung mga tents ng mga actors, mas dadami dahil di pwedeng paghaluin. Mas lalaki ang overhead ng mga producer sa bagong “normal”.
“’Yung service na dating van ngayon dapat ay bus na may empty seat kada tao. So marami pang magbabago sa shooting/ taping pero makaka-adjust naman ang lahat. Lalo na ngayong ECQ nakita natin na importante ang mga napapanood ng mga tao. Importante ang entertainment sa psychological relaxation/escape ng marami.”
Sey naman ni Boobay- “Bale magkahalong saya at lungkot po ang nararamdaman po kuya… Masaya, kasi sa wakas, maaari nang mag-taping ulit. Makakapagbigay na ulit kami ng mga bagong masasayang episode ng TBATS .Magandang balita rin ito dahil balik-trabaho na rin lalong lalo na ang mga Kapuso natin na nasa likod ng kamera, kasi medyo matagal na ring natengga dahil sa COVID- 19…
“Malungkot din kasi, hindi kasama ang pagbubukas ng mga bar, kasama ang comedy bar na pinagtatanghalan po gabi- gabi, kung saan madami tayong kaibigan na performers/stand up comedians ang apektado.. Gayunpaman, naiintindihan po namin ‘yun ,Kailangang sumunod talaga sa kinauukulan, dahil mas mabuti pong malampasan muna natin itong epidemya na ito para hindi na mas lalo pang lumala.
“Magandang senyales na rin po ang pagbaba ng kaso ng COVID, ibig sabihin mas malapit na muling bumalik sa normal ang lahat.. ️ ️ ️”
Mula naman sa dating PBB housemate at Asterisk talent na si Axel Torres: “Well for me it’s always the safety of everyone pa rin ang pinakaimportante. But then again we need to work cause we have needs para mag-survive. But kasi for me even though sa GCQ area lang pwede, you never know pa rin talaga what could happen. And in that scenario we’re putting everyone at risk di ba? Pero me and my family we’re just listening sa government dahil lahat naman tayo we want this to end and mabalik lahat sa normal na. So, I’m pretty sure they’re doing their best naman. Kaya dapat stay at home lang talaga kasi wala naman special if magkaroon ka ng sakit , walang artista walang mayaman walang maghirap dito. Anyone can get the virus and sometimes kahit healthy ka di ba? It’s the matter of kung lumabas ka ba or may nahawakan ka or naka-encounter ka na meron then mapapasa mo yon without any idea.”
Talbog!