May mga pangmalakasang larawan sa isang Facebook account kung saan makikita sina Alden Richards at Bea Alonzo na nasa airport sa ibang bansa.
Ang nag-post nito, kilig na kilig kasi guwapong-guwapo siya sa Pambansang Bae at gandang-ganda sa this generation’s movie queen.
Ang tanong, bakit nasa iisang paliparan sina Richard at Alonzo? Nagkataong pagtatagpo? O may proyektong lihim na lihim pa dapat na sila ay pagsasamahan?
Ito ba ay para sa isang product endorsement? O sa isang pangabog na pelikula? Isa ba itong digital serye na kukunan sa nasabing bansa?
Panalong-panalo naman ang pagsasamang ito sa isang proyekto, hindi ba naman? Pagkatapos ng pagsasama ni Faulkerson sa nag-iisang phenomenal box-office queen Kathryn Bernardo, ang enough is enough reyna, si Bea naman ang kanyang kapareha. Pasabog na tambalan. Pangabog na pagsasama. Pangmalakasang pagsasanib-puwersa.
Paano nga kaya ang on-screen chemistry at dynamics nina Alden at Alonzo? Sana, hindi lang commercial endorsement ito, mas palong-palo kung pelikula. Ang pangalawang sana, hindi ito pagkakataon lamang na sila ay nagkasabay.
Sa true lang, ang diva that you love, at tiyak ang mga sumusuporta at tagahanga nina Alden Richards at Bea Alonzo, naglulundag sa tuwa dahil sa nangyari. Ano nga kaya ang susunod na kabanata pagkatapos nito? Kaabang-abang! (Ayaw rin magbigay ng detalye ang Kapuso management dahil confidential pa. May clause daw sa contract – ED)
Lea durog sa payanig
Sa true lang, sana nga fake account at poser lamang ni Lea Salonga ang may posting na ganito sa isang social media site: “Amidst the coronavirus scare, it’s flu season. Thousands have already died in the US. So, do we block them from coming this way too?”
Kasi kung pangangatawanan niyang siya nga ang payanig na ito, agad-agad, hindi na siya pambansang kayamanan kundi pambansang pagkabigo at kahihiyan.
At best in mema pa kamo. May masabi lang huh. Kung sa nagbabalik na “The Voice Teens” coach ang nasabing pahayag, ayokong paniwalaan na una, hindi pala siya katalinuhan at pangalawa, juice colored, isa pala siyang DDS disipulo. Iyan ang mas nakakapanlumo.
Kasi nga ang “flu” kahit pa ito ay “nakamamatay”, may mga gamot at panlunas na. Kaya itong agarang sugpuin. Eh ang bagong sakit na lumalaganap, wala pang lunas, kaya mas nakakabahala at nakakatakot.
At saka, “flawed” ang argumento niya lalo na nga’t ang puntos dito ay dapat mas marami ang hindi mahawaan. Paano ba dumating sa Pilipinas ang sakit? Hindi ba nalagay tayong lahat sa alanganin at isang malaking kahihiyan para sa kagawaran ng kalusugan na sa kanilang pagbabantay, sa atin pa may namatay?
KC, Gabby nag-dinner date
Kung ang nanay niyang si Sharon Cuneta laging may mahabang aria na kesyo nami-miss niya ang kanyang panganay na anak (KC Concepcion). Kumbaga, pambihira na ang pagkakataon na sila ay magsama pero ang kanyang tatay naman, si Gabby Concepcion, ayun, nag-dinner date lang naman ang dalawa.
Ano ito? Mas accessible at mas madali ba para makasama ni Kristina ang kanyang papable papa kesa sa kanyang drama queen of a mommy dearest?
Sa bidyo, ang paandar pa ni Concepcion eh, “Look who my handsome date is…” at may malambing pa itong pagtanong na “have you been waiting for me?” tapos super pan niya ang kanyang camera at voila, si Papa Gabby ang makikita at may pa-“Hi guys!” pa itong malugod na pagbati sa mga makakapanood nito.
Super positive pa ang comments na mababasa sa tipanang ito nina KC at Gabby. In fair Verona, freshness si Kristina sa bidyo at panalo ang kanyang Inglisera, colegiala manner of speaking. Ang Papa Gabo naman, forever heartthrob pa rin ang dating. Para lang silang magkapatid ng kanyang first daughter.
Sa ngayon, hindi ko maiwasang magtaka, ‘pag napanood kaya ito ni Sharon Cuneta, na sigurado namang mapapanood niya, ano kaya ang magiging reaksyon nito?
Makakaasa ba tayo na may open letter part 2 na naman siyang isusulat para kay Kristina? Ay! The plot thickens indeed.
Iba nga ba talaga ang relasyong nanay at anak na babae kesa sa tatay at anak niyang babae? Hmmm….. sino kaya ang makakasagot?