HAVEY: Nanggaling pa sa iba’t ibang lugar sa United Kingdom ang mga dumalo sa concert ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa kanyang unang pagbisita sa London.

OK naman ang au­dience sa medyo buwis-buhay na venue. Karamihan ay solid AlDub fans na aside from London ay nanggaling pa ng Pa­ris, France, Germany, Denmark, Hungary at B­elgium.

Mas bongga raw ang audience turn out dito kaysa sa isa pang naunang GMA Pinoy TV event sa Troxy Theater.

Alden entertained the audience with five numbers. Nauna na ang kanyang hit single from his GMA Records multiple platinum album na Wish I May.

Sinundan niya ito ng kanyang anthem na God Gave Me You. Pagkatapos ay nagbigay siya ng patikim ng susunod niyang album with the song Rescue Me. Then came his boyband hits medley.

His last number got everyone moving and in the party mood nang sa­yawin niya ang T­rumpets.

In between numbers, meron ding pick-up line contest at ang kwelang nanalo (receiving a thunderous applause from the audience) said, “Alden, tatay ka na ba?”

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Ikinagulat iyon ni Alden na nagsabing, “Hindi pa ako tatay, ha? Bakit?”
Sinagot ito ng, “Kasi pan-tatay ka na ng mga magiging anak ninyo ni Maine!”

Naghiyawan ang AlDub fans sa audience! Sabay sabi ni Alden, “BOOM!”

Nagkaroon pa ng chance ang mga bumili ng VIP tickets na nagkakahalaga ng £80 na magkaroon ng Meet And Greet Session with Alden habang kami ay nauna nang nagpaabot ng pasasalamat kay Alden, sa mga taga GMA Artist Center at sa Prismworks Productions at hindi na nagpagabi pa sa venue.

Congratulations and thank you sa inyong lahat!

***

WALEY: Bukod kay Alden, waley patumanggang itinampok sa At Last In London show ang iba pang Pinoy ta­lents na ang iba’y may ibubuga rin.

Nauna na rito ang da­ting stylist & fashion designer na si Kate Torralba na iniwan ang trabaho sa ating bansa.

Petite pianist from the Philippines ang tawag kay Kate sa London, na dalawang taon na palang nakikipagsapalaran para maisakatuparan ang pa­ngarap niyang magkapa­ngalan sa UK.
Kumanta si Kate ng dalawang original compositions niya.

Applauded ang rearranged version niya ng Maging Sino Ka Man at Usahay.

Isa pang anecdote ang nagtatak kay Kate na kinilig-kilig nang makilala si Alden sa backstage.

Ikinuwento niya na maka-AlDub siya at bago pa man ang ALDUB phenomenon, fan na siya ng pagda-Dubsmash ni Maine Mendoza.

Nag-message raw si Kate sa FB ni Maine pero deadma raw ito, hindi siya sinagot.

Bumawi naman si Kate at ang sabi, it’s a better honor na mag-open siya for Alden’s concert in London, and she will remain an AlDub fan.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

6 Responses