Alden bumabawi sa lugi

NI: ROLDAN CASTRO

Mahigit dalawang buwan na sarado ang restaurant business ni Alden Richards dahil sa quarantine.

Pero ngayon ay unti-unti nang nakaka-recover sa lugi dahil may anunsyo siya sa kanyang Instagram stories na bukas na ang kanyang resto sa take out at pagde-deliver ng order na pagkain. Open na ang branch niya sa Quezon City at Silang, Cavite.

Hindi natigil ang sahod ng kanyang mga empleyado nu’ng panahon nu’ng ECQ

Nauna namang nagbukas ang food chain ni Alden na matatagpuan sa Binan, Laguna. Ito’y pagkatapos lumuwag at pumayag ang administrasyon na maaaring magbukas ang ganitong klaseng negosyo.