tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMahal ko si Alden Richards dahil maliban sa pagiging mahusay na aktor, mabait. mabuti at hindi nito nalilimutan ang diva that you love. Slightly bothered nga lang ako pag tinatawag niya akong “tito” dahil nakaka-jurassic. Pasala­mat siya at si Richard siya kung hindi, baka nakurot ko siya sa utong at napagsabihang Ms. Alwin ang dapat niyang itawag sa akin.

Dahil nagbabu na sa ere ang Victor Magtanggol, sana ang mga pralala na maari itong gawing isang pelikula, huminto na dahil alam naman nating lahat kung ano ang kinahinatnatan nito.

Kahit pa nga sabihin nilang fulfilled nito ang kanyang entire season run, may maganda at positive feedback mula sa mga Kapuso loyalists at mga totoy at nene, it does not change the reality na hindi umubra sa high and mighty FPJ’s Ang Probinsyano.

Parang katawa-tawa naman kung gagawin pang pelikula ang isang palabas sa telebisyon na hindi man lang nga dumikit ang laban sa sobrang minamahal na palabas ni Coco Martin.

Itigil na ang ganitong pralala. Mas nakakasira kay Alden Richards, sa true lang.

Mas panalo na iyong balita na ang next project niya ay isang pelikula. Kung saka-sakaling may drama siyang gagawin muli sa telebisyon, huwag na tele-pantasya, please. We all know that at this point and time of his career, ang Pambansang Bae, highly needs a reinvention and a high profile project na magpapa-stop, look and listen muli sa lahat na he is still in the running.

Dahil nga kinulong si Alden sa imaheng sweet-sweetan, ayan ang karera ni Tony Labrusca, umariba!
Panahon na nga ba talaga para magpaka-daring at sexy in the truest sense of the world na tila binatang makisig talaga?

Si JM de Guzman, bonggang-bongga rin ang pagbabalik sa Araw, Gabi at Kung Paano Siya Nawala? Walang duda naman na kakayanin ni Richards ang katauhang mapangahas na tulad ni Lio sa pelikula ni JM na mahilig sa one night stand at tala­gang hindi ipinagdadamot ang kanyang kili-kili na para sa mga may armpits fetish, “pati kili-kili ni JM ang guapo!” Game na ba ang best in dimples na may sex, booze and in a complicated relationship ang kanyang susunod na katauhan?

Sa mga career planners ni Alden, please make him sizzle, his career, scorching, his star, brighther than ever. Kung sa Eat Bulaga, pabebe pa siya, dapat sa mga pelikula at television shows niya, siya ay astigin, barubal, mapangahas at higit sa lahat, malibog! Hahahaha!

***
My dear Abante Tonite readers, tuloy na tuloy na ang concert na Music and Laughter: A Tribute Show for Rico J. Puno ngayong November 23 sa Theatre at Solaire.

Kasama pa rin sa tribute show sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez na original performers sa Music and Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko.

Kasali rin sina Marco Sison, Nonoy Zuniga, Nanette Inventor at Eric Nicolas. Siyempre pa, may special participation sina Tosca Puno at Rox Puno.