Alden inalalayan si Kendoll para ‘di mapahiya kay Vic

alden-richards

BUO ang suportang ibi­nibigay ni Alden Richards sa kanyang per­sonal assistant na si Tenten Mendoza, mas kilala ngayon bilang si Kendoll sa segment ng Eat Bulaga na ‘Barangay Jokers’.

“Lagi kong sinasabi sa kanya na kung anuman ang offer na mas malaki sa ginagawa niya ngayon, hindi ko siya pipigilan,” sambit ng actor nang makatsikahan namin sa media launch ng ‘Cookies Peanut Butter’.

Hindi naman ba nagkukulang ngayon si Kendoll kay Alden?

“Naku po, medyo nahihirapan siya, kasi du’n siya tapos pagsasabayin niya…mas busy pa po siya sa akin. Pero ‘yung support ko sa kanya ay ibinibigay ko. I mean happy ako kung ano ang nakukuha niya ngayon sincerely kasi he deserves it. Napakabait na tao ‘yan,” deklara niya.

Hindi ba siya iiwan kung halimbawang may malaki itong offer?

“Ako po ang magpu-push sa kanya du’n. Ako po ang manager, 10% lang siya, akin po ang 90, joke lang po,” pakli ni Alden sabay tawa.

Parang si Piolo Pascual at P.A. nitong si Moi Bien ang peg?

“Kasi ano po ‘yun opportunity, ibigay po natin, ‘wag po nating pigilan, blessing din po ‘yun,” bulalas pa niya.

Anyway, lilipad nga­yong April 5 si Alden papuntang Amerika para sa Sikat Ka, Kapuso! Sa April 7ay nasa Newark Symphony Hall ito sa New Jersey, USA at sa April 8 sa Sony Centre for the Performing Arts in Toronto, Canada ka­sama sina Dingdong Dan­tes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe at Betong.

Happy rin ang Pambansang Bae dahil­ napiling maging brand am­­bassador ng 100% gawang­ Pinoy na Cookie’s­ Peanut Butter. Ito ang tinatawag nga­yon na pambansang pa­laman na pagmamay-ari nina Cookie Yatco at Joy Abalos-Yatco ng Biñan, Laguna.

***

KINUHA namin ang re­aksiyon ni Kendoll (Mama Ten kung tawagin namin) sa mga pahayag ni Alden.

“Nahihiya po ako pe­ro nakakatuwa,” bu­ngad niya.

Sobrang pasalamat ni Kendoll sa suportang ibinibigay ni Alden sa kanya. Pati na rin sa exe­cutive ng ‘Eat Bulaga’ na si Ms. Jenny Ferre na nagbigay sa kanya ng break.

Sa Lenten special ng ‘Eat Bulaga’ ngayong Wednesday ay kasama si Kendoll with Vic Sotto at Maine Mendoza entitled ‘Taray Ni Tatay’.

“Nag-reading po ka­mi ni Alden. Tinuruan niya ako. Nakakahiya raw kasi ‘pag pumalpak ako sa pagbibitaw ng lines dahil si Bossing Vic ang kaeksena ko,” kuwento ni Kendoll.

Inalalayan ni Alden si Mama Ten na paghandaan ang naturang role para hindi mapahiya kay Vic Sotto.

Ayon pa kay Kendoll, hindi pumasok sa isip niya na mangyayari sa kanya ang break na ito sa showbiz.

“Magkasama lang ta­yo nu’n sa bikini open (organizer kami ng Hataw Superbodies), nag­dadala ako ng candidates sa ‘yo. Tapos sa Ginoong Laguna, nagme-make up,” lahad niya.

Kuwento pa ni Kendoll, hindi niya akalain na makakapag-picture siya at makikita ang mga idolo niya nu’ng mag-guest sa ‘Eat Bulaga’ ang Triplets na sina Manilyn Reynes, Kristina Paner at Sheryl Cruz. Dati lang daw ay napapanood niya.

“Nakakakilabot,” reaksyon ni Mama Ten.

“Pati ‘yung ‘13, 14, 15’, sina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez at Carmina Villarroel, gustong-gusto ko ang mga ‘yan nu’ng high school ako,” sey pa niya.

Kasama ba siya ni Alden sa bakasyon nito sa Dakak ngayong Holy Week?

“Sila na lang muna ng pamilya niya. Hayaan mo silang mag-bonding. Ako magbi-Visita Iglesia.”

Hindi kaya pagka­guluhan siya sa Visita Iglesia niya dahil napapanood na siya sa Eat Bulaga.

“Naku, hindi po nila ako makikilala dahil naka-make up ako sa TV,” tugon pa niya.

Dahil busy na si Ken­doll, hindi na niya nahaharap ang order ng kanyang bagoong business na gawa ni Rochelle Pangilinan. ‘Yung itinayo naman niyang salon sa Biñan ay ibinigay na raw niya sa kapatid niya para matuto raw sa buhay at ‘wag siyang asahang mag-­abono.

Talbog!

Pahulaan kung sino ang makakasama nina Carlo at Matt

“HAPPY ako na official na rin si Carlo Aquino,” pahayag ni Ms. Rhea Anicoche Tan, Beautederm owner at CEO.

Pumirma ng dalawang taong kontrata ang actor bilang ambassador ng Beautederm.

Hindi kaya magselos si Matt Evans na original endorser?

“Dalawa silang na­ka-contract. Two years pareho. ‘Wag selos dahil love ko silang dalawa,” pakli ni Ms. Rei.

“Walang isyu da­­hil magkaibigan ‘yun. Walang ere at arte na artista si Matt. Wala siyang pinipili na kakausapin. Gusto ko kasi pag endorser ko parang same kami ng personality. Si Matt natural ‘yung pakikitu­ngo sa tao. Ganoon din si Carlo. Gusto ko ‘yung sincere. Taong maganda sa loob at labas,” dagdag niya.

“It’s an honor to have these two bright stars as part of the Beautéderm Family. Thank you for the trust, Matt and Carlo. I strive hard for excellence to be worthy of your loyalty,” mensahe pa ni Ms. Rei.

Actually, may isa pang actor na madadag­dag sa Beautederm fa­mily. Isang malaking pahulaan pa dahil secret pa raw ito. Tinatanong tuloy kung Kapamilya ba o Kapuso ang bagong makakasama nina Matt at Carlo sa Abril?

“Who do you think will complete the trifecta of Beautéderm Men with Matt Evans and Carlo Aquino? Keep posted for the big reveal,” mababasa sa Facebook account ni Ms. Rei.
Basta ang clue lang ay magaling daw itong aktor at may teleseryeng ipinapalabas ngayon.

So, may bonggang launching na magaganap sa pagsasama ng tatlo.

Lumalaki na ang Beautederm family na kinabibilangan din nina Sylvia Sanchez, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, Jaycee Parker, Maricel Morales, Alex Castro, Jestoni Alarcon, Jimwell Stevens, Hon. Migz Magsaysay, Jericho Aguas atbp.