tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioSa isang Twitter post, masisilayan ang larawan ni Pambansang Bae Alden Richards na may kasamang babae, magkaya­kap silang mahigpit. Ang binibining kadikitan niya ang katawan, walang iba kung ang favorite singer sa Kamu­ning network, si Julie Anne San Jose.

Walang kamalayan ang dalawa na sila pala ay kinukunan. At tiyak, may malay na sila ngayon dahil nga may isang nila­lang hiding under a fictitious name ang siyang nagbahagi sa yakapan picture nina Faulkerson at San Jose.

Ang mga tanong, eksena ba sa isang drama ang nangyayari? Kung pagmamasdan maigi ang larawan, parang wala namang shoot na kaganapan dahil may ibang tao sa paligid.

Sadya bang malapit ang da­lawa? May kung ano bang dinaramdam ang mutya kaya bilang isang gentleman, ina­alo ni Alden si Julie Anne at yinakap niya ito?

Hindi kaya sinasadyang mabasa ni San Jose ang post ni Benjamin Alves na ang emote ay ganito, “Maybe, true happiness is when we are happy with ourselves – faraway,” kaya siya ay nawindang kasi nga parang pag-amin na ni Alves ito na hiwalay na ang kanilang dekolor at puti, tapos na talaga ang relasyon nila, at naisalaysay niya ito sa kaibigan, at yun nga, si Alden did the most gentleman thing, hug a friend, making her feel na she is not alone, at nandito lang siya?

Eh ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga ‘di pa nalulupig ang pag-asang AlDub fanatics sa larawan posting na ito? Raratratin at here, there, and everywhere na ba ang galit at ngitngit nila para kay Richard at Julie Anne?
Ngayong season of love, hayaan na lang natin sina Alden Richards at Julie Anne San Jose sa kanilang friendship.

Hindi naman imposible na maging magkaibigan silang dalawa. Huwag magpadalos-dalos sa mga konklusyon. Huwag lalong magmadali sa panghuhusga. At kung saka-sakali ngang may posibilidad na maging romantic ang kanilang relasyon at hindi na platonic lang, wala namang masama, hindi ba naman? Muli bang ibalik ang kanilang nakaraan?
***

Vice babae sa pabulaklak ni Calvin

Walang duda, the season of love is in full bloom! Go for gold ang sigawan at tuksuhan at hindi makakaila ang kilig ay damang-dama na mapapanood sa isang bidyo na ang bida lang naman ay sina Calvin Abueva si Vice Ganda.

Ang dalawang in a bromosexual relationship, grabe ang kali­gayahang hinatid sa mga saksi sa sweet gesture na ginawa ni Abueva kay Queen Bayot sa isang provincial pageant sa Pampanga kamakailan.

Sa isang Instagram video, mapapanood na habang nagbibigay ng “thank you” speech si Vice, biglang lumapit si Calvin at inabutan ng bulaklak ang obviously ay nagulat na si Jose Marie.

Likas na pilyo pala itong si Calvin, huh! Umakting kasi na tila hahalikan niya ang kaibigan pero hindi naman itinuloy.

Ang nangyari, si Ganda, hinawakan ang mukha ng basketbolista, at yun na, the venue erupted like a volcano, sigawan kung sigawan dahil nga it’s not every day na makikita mo ang mahal na reyna na ang paborito niya pang kabigang lalaki ang nag-alay ng bouquet of flowers sa kanya.

Hindi ba, ang platinum blonde wig ni Ganda, parang naging pang-Rapunzel, kay haba-haba. At ang mas nakakatuwa, ang positive at kilig na kilig na reaksyon mula sa mga nakasaksi.

Walang kaduda-duda na marami ang masaya na may bromosexual relationship sina Vice at Calvin. Sa wakas, may lalaking kumawala sa dilim at ang pinakabongga sa lahat, hindi ikinahihiya ni Calvin ang kanilang pagkakaibigan at ito pa talaga ang mas matapang at mas may kumpiyansa sa sarili na dapat nilang ipagdiwang at ipagmalaki ang kanilang kakaibang pagmamahalan.

Ngayong season of love na nga kaya ang opisyal na pag-amin? Makakaasa ba tayo sa premiere night ng Fantastica, the Princesses, the Prince and the Perya, si Dingdong Dantes, kasama si Marian Rivera, si Richard Gutierrez, ang katuwang ay si Sarah Lah­bati at si Vice Ganda naman, ang irarampa at best accesory sa red carpet ay si Calvin Abueva? Pasabog na pasabog, huh!

***

Mahalin kaya ng mga nasa palasyo ang bagong issue ng Time Magazine kung saan ang nasa pabalat ay si Maria Ressa, at prinoklama ito bilang isa sa mga Person of the Year?

Sa mga nagsampa ng tax evasion case kay Ressa, ikalugod kaya nila ang importansyang ibinigay sa babaeng pinaglalaban ang kaniyang bersyon ng katotohanan?

May magiging opisyal na reaksyon kaya ang mga taga-palasyo rito? Ikikibit-balikat lang ba nila, deadma kung deadma o makaka-asa tayong may maanghang na salitang papakawalan ang Ginoo sa Malakanyang patungkol rito?

Ang diva that you love, may pananalig na magandang pang-regalo ngayong Pasko ang nasabing magazine, huh!