LILIPAD na si Alden Richards sa Encantadia next week!

Matapos mabalitang papasok si Alden sa Kapuso telefantasya ay ang dami nang nag-abang kung kailan siya mapapanood dito.

The long wait is finally over dahil next week ay makikilala na ng Encantadiks ang Mulawin character ni Alden na si Lakan.

Ano kaya ang papel ni Lakan sa apat na Sang’gre?

Maituturing ba siyang isang kakampi o kaaway?

Base sa social media post ni Direk Mark Reyes, tapos na ang RETELLING kaya magsisimula na ang SEQUEL ng nasabing telefantasya.

“Brace yourselves. It’s not 2005 anymore,” ang pahiwatig ni Direk Mark.

‘Yun ang dahilan kaya tinawag na REQUEL (retelling + sequel) ang 2016 version ng hit fantasy series.

Simula sa isang linggo ay bagong kabanata na ng kuwento, na bale sequel at book four ng Encantadia.

Samantala, hindi pala sa mundo ng Encantadia natatapos ang pagiging mag-ama nina Glaiza de Castro (Pirena) at John Arcilla (Hagorn).

Kamakailan kasi ay full support si Glaiza kay John nang manood siya ng huling gabi ng musical play na Dirty Old Musical na isa sa performers si John.

Sey ni Glaiza sa Instagram, isang ‘proud Hathoria moment’ na mapanood si John sa DOM musical.

2 Responses