Alden may death threat; tulong ng NBI hinirit

LOYAL Kapuso si ­Alden Richards!

Pumirma muli ng kontrata sa GMA Network ang Pambansang Bae.

Ani Alden sa presscon kahapon, ‘yung mga gumagabay sa kanya ay pinaalalahanan siya na, “Loyalty is the key to the hearts of the people, and loyalty pays off.”

Napatunayan daw iyon sa kaso niya.

“For the past five years, I’ve been very loyal to GMA, and GMA is the same to me.

“Hindi po ako pinabayaan in terms of projects, career path, the way they ­manage my career.

“Parang sobrang mutual… I can’t ima­gine transfering sa ibang bahay… They’ve been showing me nothing but support and care and love.

“I don’t see myself moving out of my home network.”

Sobrang na-miss ni Alden ang paggawa ng teleserye, kaya enjoy siya na gumanap bilang Mulawin na si Lakan sa telefantasyang Encantadia.

Kung pwede lang daw eh kasama sana siya hanggang sa pagwawakas nito.

Hindi pa masabi ni Alden kung kailan ‘yung napabalitang primetime teleserye nila ni Maine Mendoza.

“That’s something to look forward to, that’s something exciting po,” nakangi­ting sambit ni ­Alden.

“In eve­rything that I do, dapat laging nagle-level up. So that’s what’s in store for next year.”

***

Kinumpirma ni Alden na humingi sila ng kanyang ama ng tulong sa NBI kaugnay sa death threats sa kanya.

Lahad ni Alden, “Since the beginning naman po, before that issue, I already have my own issue of… ahh… life-threatening situations.

“I asked the help of GMA Ar­tist Center and the NBI to do something about it, and we’ve been thinking actions naman po with regards to that.

“But kasi, ang akin lang naman po, if you’re threatening someone, it’s a 90%…  there’s a 90 percent probability na hindi mo siya gagawin because you’re threatening.

“Yung mga nagti-threat, hindi nagsasabi ‘yan. Ginagawa na lang nila.

“So, I should say that there are a lot of people like that, especially now in social media, napakadaling gumawa ng statements and threats like that.

“Pero so far naman po, we’ve been very careful with that and, kumbaga, we just take extra caution. Sa labas, like that. Pero…

“Kumbaga, ‘yung mga threats like that are being done by people na wala sigurong magawa.”

Naka-post sa YouTube ­channel na “Tonite With Jerry­ Olea” ang mga ganap­ sa presscon kahapon ni Alden.