Alden, magpapakilig sa S’pore

Alden Richards at Maine Mendoza

OUT na sa selected bookstores ang libro ni Alden Richards na Alden In My Own Words.

Very hands on ang Pambansang Bae sa ‘special project’ niya na ‘yon, na P250 ang halaga ng bawat kopya.

Sa pinost na pic ni Alden sa Twitter ay makikita na may full page photo nila ni Maine Mendoza sa nasabing libro, so malamang may isang chapter na dedicated kay Meng.

Meron ding chapter na ‘I’m A Dog Person’ na may kuha siya with his pet dog, may ‘Anatomy of Alden,’ ‘Then I Started Going For Bigger Things’ at iba pa.

Mukhang mara­ming full color at black & white pics na ikatutuwa ng Aldenatics at AlDub Nation.

Maraming personal revelations ang Kapuso hearthrob sa nasabing libro at mas makikilala pa siya ng publiko sa mga mababasa rito.

Mula nu’ng magsimu­la siya sa showbiz, kung anong klase siyang tao, paano siya bilang kapatid at marami pang juicy infos.

Meron ding chapter na panay personal testimonials ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Alden sa loob at labas ng showbiz. Matutuwa ang fans kung kasama si Maine sa nagbigay ng testimonial.

Usung-uso ngayon ang celebrity authors at parami nang parami ang taga-showbiz na naglalabas ng libro.

Feeling namin ay may mga kumukumbinsi na kay Maine Mendoza na maglabas ng sarili nitong book.

Mahilig (at magaling) magsulat si Menggay, kaya if ever ay kaabang-abang ang libro nito.

***

Ilu-launch din ni Alden soon ang kanyang Alden Richards Scents by Boardwalk. Nauna nang maglabas si Maine ng sarili nitong pabango na gawa ng Bench.

Patok din sa newsstands ang YES! 100 Most Beautiful Stars 2016 na cover ang AlDub.

Usually ay umaabot ng isang taon sa maga­zine shelves ang annual­ special na ‘yon ng YES!, pero itong sa AlDub, sa lakas ng benta ay kinailangan nilang mag-reprint for the first time!

***

Sabik na ang AlDub Nation sa Singapore,

Inaabangan nila ang screening doon ng blockbuster movie na Imagine You & Me at ang pagdating ni Alden.

Tampok ang Pambansang Bae sa kanyang concert doon na One Fine Day with Bae kasama sina Aicelle Santos at Kim Idol. Gaganapin ito sa Linggo (July 24) sa Kallang Theater, 1 Stadium Walk.

Ipoprodyus ito ng SingPhil Events and Services.