Alden manhid na sa death threats

NAG-LAST taping na ang Pambansang Bae na si Alden Richards ng special episode ng Magpakailanman kahapon para sa ika-5th anniversary ng MPK na mapapanood naman sa Sabado, November 25 na kuwento ni sundalo na si Jomille Pavia.

Sa loob ng tatlong taon, bihirang gumawa si Alden ng mga ganitong drama special. Pero inspiring daw kasi ang kuwento ng naturang Marawi soldier.

“Noong in-offer sa akin ‘yan, nakagawa na rin po ako ng isang kuwento ng sundalo sa Wish Ko Lang. Ito po ‘yung medyo major kasi Magpakailanman ang story at sa awa po ng Diyos, buhay naman ang case study natin.”

Medyo mahirap din daw ang ginawa niya rin sa special episode na ito. Kung na-miss nga raw siya ng mga manonood, na-miss din daw niyang gumawa ng mga drama.

“Kung paano po ako na-miss ng mga tao na mag-portray ng mga drama roles, sobrang na-miss ko rin po.

Ang tagal ko po siyang hindi nagawa at nagpapasalamat ako sa GMA at Eat Bulaga na binibigyan nila ako ng opportunity na gawin,” sabi ni Alden.

Sa ngayon, tila immune na rin si Alden sa mga natatanggap na pangba-bash. Konting galaw nga lang niya, may pangba-bash na agad.

Sabi naman ni Alden nang kamustahin namin, “Okey naman po, very much okay. Tuloy-tuloy pa rin po ang Eat Bulaga.”

Paano nga ba niya naha-handle kapag may mga pangba-bash? Yung iba sobrang below-the-belt na may mga pangbabanta pa sa buhay niya?

“Nasanay na po ako,” sabi na lang niya.

“Hindi po natin maiiwasan na ungkatin lahat ng mga negative people ang buhay po namin ni Maine (Mendoza). ‘Pag po ganun, nasanay na rin po ako sa tagal.

“Tatlong taon na rin po akong bina-bash ng mga taong ito,” natawa na lang na sabi niya.

Naniniwala naman daw si Alden na kung may isa man siyang basher, may sampu naman daw na sumusuporta sa kanya.