Pansinin ang suot na white t-shirt ni Alden Richards tuwing nagla-live sa Instagram.
Napuna rin ito ni Vic Sotto nang batiin niya ito ng happy birthday thru zoom app.
“Nagpapalit ka pa ba ng damit?,”bati ni Bossing sa kanya.
Pinaliwanag naman ng Asia’s Multimedia Star na marami siyang puting t-shirt. Ipinakita rin niya kamakailan kung gaano karami ito sa kanyang IG live.
Nang mag-live din sila sa IG ni Father Jeff, binati rin siya na mabuti’t suot ang uniporme ngayong ECQ.
Pagbibiro ni Alden: “ Wala father itona lang yata damit ko,” sabay tawa.
Dagdag pa niya: “Ipinakita ko naman last live ko na marami naman akong ibang kulay na damit pero parang pag nakaputi ako kasi automatic, feeling ko nakampabahay ako,” lahad niya.
Samantala, inamin din ng aktor kay Fr. Jeff na nami-miss niya ang magsimba dahil ‘yun daw ang kinuha sa atin ngayong quarantine.
Talbog!
Pagligo ni Richards inurirat
Tinawanan ni Alden Richards nang tanungin siya ng netizen kung naliligo raw ba siya araw-araw.
Ito na yata ang paboritong tanong ng mga follower sa IG pag nagla-live.
Buong ningning niyang pakli na hindi siya lumalabas ng bahay na ‘di naliligo.
Bwahaha!
Alessandra nagmakaawa maging yaya
Kaaliw ang caption ni Alessandra de Rossi sa photo nila ni Assunta sa kanyang Instagram account. Excited din si Alex na magiging mommy na ang kanyang ate.
“Ayan. Nahipo ng birhen. Congratulations @assuntaledesma @julesledesma. God really answers prayers. 16 years of praying! Heto ka na, tita na me!”
Nagmakaawa rin siya na mag-apply na yaya ng pamangkin niya. Nagbiro rin siya puwede nang P150K per month ang sahod niya.
Pak!