Maaring sa ngayon, may mga taong nagdududa pa rin kung dapat ba nilang panoorin ang ‘Victor Magtanggol’. Sayang at patuloy kayong duduso at dudosa, hindi niyo tuloy nasaksikhan ang makatulo luhang pagtatagpo ni Nanay Vivienne at ni Victor, na buong husay na ginampanan nina Ms. Coney Reyes at Alden Richards.
Sa tulong ni Gwen, ang katauhan ni Janine Gutierrez, ang mag-ina na kay tagal na ‘di nagkita, sa wakas nagkaharap, nagkatago at boy oh boy, ang diva that you love, umagos talaga ang mga luha.
Wagas ang husay nilang dalawa. Wala kang tulak kabigin sa galing at damang-dama mo bilang manonood ang katotohanan sa kanilang pagganap.
Si Alden, mula sa pagkatuwa, pagkabigla, galit at mga matang kusang lumuluha na lamang.
Si Ms. Coney, na nagsusumamo, nagpapaliwanag, kapatawaran ang hinihingi sa anak na biglang tumigas ang puso at hindi maunawaan ang dahilan kung bakit matagal ‘di nagpakita ang inang may iba na palang kasama at sinta.
At eto na nga, juice colored! Mas lalong nag-plok kete plok ang aking mga luha sa eksena ni Alden na kausap ang kanyang mga kapatid. Luhang-luha ang binata pero binabagong pilit ang boses na kunyari walang nangyari at
nagpapakatatag tapos nung wala na ang mga kapatid niya sa linya, ‘yung pagbigkas niya sa mga salitang “ang sakit-sakit,” hay! Alden, ano ba? Sobra ka sa aming manonood. Ginagalingan mo na agad!
Ang ganitong mga eksena sa ‘Victor Magtanggol’ ang nagpapaigting sa palabas. Walang duda na kung laging may mga ganitong mga makadurog pusong mga pangyayari, we all know we Pinoy are suckers for mush and all out drama, tiyak mararahuyo pa ang mas nakakarami na sumubaybay rito.
Hindi makatwiran at lalong hindi makatarungan ang bashing at hating na wala itong ibubuga o ilalaban sa katapat na programa.
Slow burn ang ‘Victor Magtanggol’ and before you negatrons know it, maski kayo bilib na bilib rito.
Congrats, Alden Richards! Congrats, Ms. Coney Reyes! Salamat sa makatotohanan niyong pagganap.
***
Vice mapapalunok kay Kristoffer
Ay! Ang the WHO no more na si Kristoffer Martin, walang dudang ang hubad baro niyang katawan at mga buhay na buhay niyang utong na alam mong hindi na birhen sa pagdila at pagsipsip, marami ang napa-stop and look, huh!
Pati nga ang Queen Bayot Vice Ganda, may chance na napalunok at mag-init ang pakiramdam sa kanyang hubad barong larawan ‘pag nakita ito.
Ang emote ni Jose Marie sa larawan ni Martin ‘pag halimbawang nakita, “Salon b ineendorse mo o motel?”
Ang pabirong pagpatol naman ni Kristoffer, “@praybeytbenjamin Salon sa loob ng motel? HAHAHA”
Ang diva that you love, hindi na nagtaka kung bakit marami ang akit na akit sa larawan ni Martin? Kuha kasi ang maganda niyang pangangatawan, ang balat na kayumangging kaligatam at ang maumbok nitong dibdib.
Ay naku, nadantayan ko na ang dibdib na pang-romansa at talaga namang matitigas ang mga ito. Alam mong alaga ni Kristoffer ang kanyang pangangatawan sa work out.
Nasa ‘Victor Magtanggol’ din si Martin, bilang kontrabida at binatang may pagnanasa sa kanyang step sister na si Gwen. O di ba, mapangahas na talaga si Kristoffer. Wagi!
***
Kaaliw naman ang isang paparating na concert, huh!
Ang magbibida lang naman rito, eh sina Ronnie Henares at Jojit Paredes, magsasamang muli ang tunay na magkaibigan at parang tunay na magkapatid na ang turingan sa TwofUs Reunion of Friends na mangyayari sa Solaire sa Setyembre 1 sa Solaire’s The Theatre.
Sabi nga nina Ronnie at Jojit, “Music lovers are going to love this concert. The audience can expect to hear the hits of the times which aren’t performed anymore in any of the entertainment venues in the country.”
Ang kasama nila sa reunion na ito ay sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo ng APO Hiking Society, Mitch Valdes at ang kabogerang AldeguerSisters.
Nostalgia at its finest and most fun ang TwofUs dear Abante Tonite readers kaya samahan niyo silang mag-shimmy, mag-shake their groove thing at mag-awitan, bongga, hindi ba naman?