Alden nagpasalamat sa successful niyang pelikula at concert

Alden Richards

HINDI nakalimot si Alden Richards na magpasalamat sa mga kaibigang movie press na tumulong sa box-office success ng pelikula nila ni Maine Mendoza na Imagine You and Me.

Pinasaya niya ang mga movie press ka

hapon na parang ang aga ng pa-Christmas party niya.

Marami raw dapat na ipagpasa­lamat si Alden kaya hindi na niya pinapansin ang ilang hindi masaya para sa kanya.

May bagong bansag na naman kasi ang ilang bashers nito na tinawag siyang CANCELLED CONCERT KING.

Dalawang concert kasi ni Alden ang  hindi itinuloy na may valid reasons naman.

Isa sa ipinagpasalamat ni Alden ay ang napaka-successful niyang concert na One Fine Day with the Bae sa Singapore nu’ng Linggo.

Punung-puno ang Kallang Theater na mahigit 2,000 ang capacity.

Iyun daw ba ang Cancelled Concert King?

Sulit na sulit ang pagpila at pakikipagsiksikan nila para makita lang si Alden.

Sa katunayan, babalik sa Singapore si Alden at kasama naman niya si Maine Mendoza.