NI: ROLDAN CASTRO

Maraming fan ang nag-enjoy sa paghuhubad ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang Instagram account.

Tinakam niya ang mga nagpapatansya sa kanya dahil apat ang larawan niya habang naghuhubad. Nagpasaya raw siya ng umaga.

Nanunukso raw ba ang host ng ‘Centerstage’ habang nakatingin sa labas ng kanilang bahay sa Laguna? Meron kasi siyang follower na kumakawala ang kaluluwa.

Habang sinusulat ito ay 62,604 ang nag-like at merong 1,364 comments sa kanyang hot series of black and white photos.

Tanong ng mga netizen kung sino ang kumuha kay Alden?

Tinambakan din siya ng nag-aapoy na emojis. (Roldan Castro)